RATED R
ni Rommel Gonzales
SA magulo at tiwaling takbo ng buhay ngayon sa Pilipinas, may mga nais si Carla Abellana na mabilanggo sa kulungan.
“Pero more on… para safe po tayo, ‘yung mga animal abuser,” bulalas ni Carla.
“Iyan po ang aking focus. Naku po! Araw-araw po iyan.
“Naku, napakarami po! Nagkalat.
“Ah, of course, mayroong Animal Welfare Act. Alam po natin iyan, na may rights po ang animal.
“And hindi man po natin alam lahat, pero every day mayroon din pong injustice na nangyayari when it comes to animal welfare.
“So sana, lahat po sila, makulong! Sana, lahat po sila, magbayad ng multa.
“Minsan, pangit man po sabihin or isipin na kung paano nila inabuso ‘yung hayop, sana, ganoon din po ang mangyari sa kanila.
“Mga ganoon pong bagay. So, marami pong animal abusers. Sa politics, iba na lang po ang sasagot doon.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com