Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Barretto Gerald Anderson Vannie Gandler Lucas Lorenzo

Gerald at Julia kompirmadong hiwalay na

I-FLEX
ni Jun Nardo

WALANG umaamin kina Julia Barretto at Gerald Anderson kung hiwalay na sila.

Pero sa social media, naglalabasana ang posts na may iba na silang relasyon kahit walang pag-aming nanggaling sa dalawa.

Si Gerald, sa volleyball player na si Vannie Gandler inuugnay. Si Julia, sa negosyateng si Lucas Lorenzo na brother in law ng kapatid niyang si Claudia Barretto na kapatid din ng asawa ng aktres na si Erich Gonzales.

Naku, alam naman ninyo ang netizens ngayon. Halos wala ka nang maitago sa kanila.

At dahil wala tayong naririnig mula kina Gerald at Julia, ang kani-kanilang management ang naglabas ng statement.

Kinompirma ng Star Magic at Viva Artists Agency na hiwalay na nga sina Gerald at Julia pagkaraan ng apat na taong relasyon. 

Hiling nila sa publiko na irespeto ang desisyon ng dalawa at itigil na ang pagkakabit o pagkakalat ng mga maling balita.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …