Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Timmy Cruz

Timmy panawagan sa pagbabago ang bagong awitin

RATED R
ni Rommel Gonzales

ANG bagong kanta ni Timmy Cruz na pinamagatang Magbago ay maituturing na panawagan para sa pagbabago na kailangang-kailangan natin ngayon dito sa Pilipinas.

Ito ay awit tungkol sa bawat isa sa atin na tayong lahat ay susi para sa pagbabago.

Kung sisimulan muna natin ang pagbabago sa sarili natin mismo, magiging ehemplo tayo para sa iba upang magbago na rin.

Ito mismo ang personal na karanasan ni Timmy. Nang nag-pokus siya sa pagmamahal sa sarili at pagpapabago ng sarili para sa kanyang mas ikabubuti at ikauunlad, naging mas mabuting bersiyon siya ng kanyang sarili.

Checking and changing myself has become my beautiful way of life. As we check ourselves and change ourselves, others change and life gets better. I’m inviting you to check and change yourself so that together we can build a better Philippines, a better world with the help of Our Creator, Our Father,”pahayag ni Timmy.

Ang ‘Magbago’ ay paanyaya para umpisahan natin ang pagbabago sa ating mga sarili. Tayong lahat ang susi ng pagbabago. Ito ang karanasan ni Timmy.

Nang nagbago siya, nagbago ang mga nakapaligid sa kanya. Nag-focus siya sa pag-aalaga sa kanyang sarili mula sa panloob hanggang sa panlabas.

“Halina, pagtulungan natin, baguhin muna natin ang ating mga sarili para gumanda ang ating minamahal na Pilipinas, at ang ating mundo. Sa tulong ng ating Ama, makakaya natin.”

Ang Magbago ay sa musika at titik mismo ni Timmy at sa areglo ni Dominic Benedicto.

Available ito sa lahat ng music streaming platforms tulad ng Spotify, Apple Music, iTunes, Youtube Music, Amazon Music, Tidal at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ruru Madrid

Ruru ‘di man best year ang 2025 maituturing namang meaningful

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG 2026 ay puno ng pasasalamat at pag-asa sa bagong taon …

Jacqui Cara DJ Jhai Ho Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho ‘di big deal matawag na sir o ma’am: Iginagalang ka pa rin naman

RATED Rni Rommel Gonzales CONTROVERSIAL issue ngayon ang pagtawag ng “Ma’am” at “Sir” sa mga …

Dustin Yu Bianca De Vera Kinakabahan Lily

Dustin may inamin sa kanila ni Bianca

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Dustin Yu, tinanong siya kung sino ang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel hinulaang magkaka-baby at ikakasal ngayong 2026

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING tatay na ba si Daniel Padilla kahit wala pa siyang asawa? …

John Fontanilla Oriña Family Reunion

Reunion ng Fontanilla at Oriña Family matagumpay 

MATABILni John Fontanilla MASAYA at punompuno ng buhay ang naganap na family reunion ng Fontanilla & Oriña last December …