Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Judy Ann Santos

Judy Ann pahinga muna sa paggawa ng pelikulang pang-MMFF

RATED R
ni Rommel Gonzales

MATAPOS ang historical win bilang Best Actress sa nakaraang Metro Manila Film Festival noong December 2024, “magpapahinga” muna si Judy Ann Santos sa pagsali sa festival.

Ang ano ko nga, magpapahinga muna ako ngayong mga susunod sigurong taon sa MMFF.

“Parang ang laki kasi ng nawalang time sa akin with the kids noong December, and iyon din kasi ‘yung time na talagang busy kami sa Angrydobo.

“Eh iba rin ‘yung passion na ibinibigay ko sa Angrydobo,” pagpapatuloy ni Judy Ann.

Ang Angrydobo ang restoran nina Judy Ann at mister niyang si Ryan Agoncillo na may branch sa Alabang at Taft Avenue.

Naging sobrang busy si Judy Ann noong December dahil nga sa MMFF.

“Pero of course, masaya rin naman talaga. Kailangan mo lang i-prepare mo ‘yung sarili 

 sa pagod pagdating sa promo, sa parade, sa awards night.

“Kumbaga, hopefully, makagawa pa ako ng MMFF bago ako mag-50.”

Historical ang pagkapanalo ni Juday sa MMFF 2024 dahil 50th anniversary iyon ng festival.

Pahinga man sa pelikula, okay naman si Juday na gumawa ng teleserye dahil hindi naman iyon masyadong kakain ng oras.

Ang gusto ko kasing series talaga ngayong gawin ‘yung may mga… magbibigay ka ng values sa mga bata.

“Parang rampant na ngayon ng bullying, rampant na ‘yung patayan, rampant na ‘yung agawan ng asawa, agawan ng anak.

“Kumbaga, parang gusto ko sana ibalik ‘yung wisdom sa mga bata, at ‘yung hope sa mga tao. Kailangan natin ng hope ngayon.

“Kailangan natin ng encouragement sa mga tao na kaya natin ito, eh. Kaya nating bumangon, kaya nating magsama-sama at maging isa.

“Puro kasi… ang bigat sa puso ng mga napapanood natin. Pero kasi, iyon ang kultura ng Filipino.

“Gusto natin talaga ‘yung nagbe-breakdown, gusto natin ‘yung nagsasapakan, nagsasabunutan, nagsasampalan.

“Pero parang ako, gusto ko gumawa ng teleserye na mabuksan man lang ‘yung mata ng mga tao na we were once compassionate. We were once human.

“Mayroon tayong pagkatao, mayroon tayong bait na ibinibigay sa mga tao.”

Iniluklok si Juday sa Hall of Fame ng MMFF dahil siya ang pinakabatang aktres na tumanggap ng Best Actress trophy. Ito ay noong 2006 para sa pelikula nila ni Ryan na Kasal, Kasali, Kasalo.

‘Di ba, Noel Ferrer?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …