Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zela JF

Zela 1st P-pop soloist na nag-perform sa WaterBomb Music Festival

RATED R
ni Rommel Gonzales

TALENT ng AQ Prime Music si Zéla na gumawa ng sariling marka bilang pinakaunang babaeng P-Pop soloist na nag-perform sa WaterBomb Music Festival early this year.

Historical ito dahil ito rin ang unang beses na sa Pilipinas ginawa ang Waterbomb na nagmula sa bansang Korea.

Nagmula sa South Korea at nagsimula noong 2015, ang Waterbomb ay isang music festival na maraming musical artists, karamihan ay galing sa South Korea ang nagpe-perform at nagbabasaan at nagkakatuwaan kasama ang audience gamit ang mga water guns at water cannons.

Ano ang hindi makakalimutang karanasan ni Zéla sa nabanggit na music festival?

“‘Yung performance po for sure coz that was my first big stage rin po. And it was so fun kasi first Waterbomb nga siya here in Manila and I haven’t really tried it din sa Korea before.

“So… pero ang pinaka-naging memorable po was I met Jessi kasi she was the main act for the second day for Waterbomb.”

Si Jessi ay isang sikat na American rapper/singer na naka-base sa South Korea.

Kabilang din ang P-pop boy group na BILIB na “kapatid’ Ni Zéla sa AQ Prime Music na kasali sa sikat na international music festival gayundin ang Sparkle GMA Artist Center singer na si Thea Astley.

Samantala bagong album ni Zéla ang Lockhart na ang carrier track ay ang ACE.

Lahad ni Zéla, “ACE po kasi it means Activate Confidence to Empower po talaga, kaya A-C-E, so ginawa ko na lang po siyang ACE coz I wanted to empower other people po thru my songs so iyon po ‘yung ginawa kong main track for my album.”

Gaano kalapit ang kanta sa pagkatao mismo ni Zéla?

Parang ibinase ko po siya sa experience ko. I had a friend po kasi, he called me an “ACE” so sabi ko why not do it as a song po.

“So… parang sinabi niya kasi ‘I do everything, almost everything on my own’ po. Kasi soloist nga po ako.

“So sabi niya para raw po akong ACE. So ayun po, roon po nag-start kaya ko po siya ginawa po.”

Ang mga awitin na laman ng Lockhart ay ang Arangkada, 01/01 Z.L (Zone Leader), G.O.A.T (Greatest Of All Time), Paraiso, Hanap Ka Na Lang Ng Iba; at Leave Me.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, aprub anim na banyagang pelikula

APROBADO sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang anim na pelikulang ipalalabas …

Alex Castro Sunshine Garcia

Bulacan VG Alex Castro nagpasalamat sa suporta ng fans sa SexBomb, nakatutok pa rin sa problema sa Prime Water

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Bulacan Vice Governor Alex Castro sa binigyan ng …