Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
cal 38 revolver gun Shabu Drugs

Magsasakang adik at tulak, tiklo sa boga

INARESTO ng pulisya ang isang magsasaka matapos madiskubre na ito ay nag-iingat ng hindi lisensiyadong baril at iligal na droga sa kanyang bahay sa Maria Aurora, lalawigan ng Aurora kamakalawa.  

Sa ulat na ipinadala kay Police Regional Office 3 Director PBGeneral Ponce Rogelio I. Peñones Jr., ipinatupad ang search warrant sa Brgy. Malasin, Maria Aurora kung saan naaresto ang suspek na isang magsasaka.

Magkatuwang na ipinatupad ang search warrant ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit-Aurora Police Provincial Office (PIU-APPO) na sinuportahan ng Maria Aurora MPS, 1st PMFC, PDEU at IOS RID3 na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang isang caliber .45 pistol na may magazine at bala, gayundin ang heat-sealed sachet ng shabu na may timbang na humigit-kumulang sa 20 gramo at  tinatayang may halagang PhP136, 000.

Sinasabing para hindi mabulgar ang kanyang operasyon sa pagtutulak ng iligal na droga  ay ginawang front ng suspek ang pagsasaka bukod sa ito ay kilalang adik sa lugar.

Nakatakdang sampahan ang suspek ng mga kasong paglabag sa RA  10591 o Comprehensive Law on Firearms, Ammunitions, and Explosives; at RA  9165 o ang Comprehensive Dangerous Act of 2002. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

P6.8-B shabu Speed boat Paluan Occidental Mindoro

Sa abandonadong bangka
P6.8-B shabu natagpuan ng mga sundalo

NADISKUBRE ng tropang militar ang P6.8-bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang abandonadong speedboat sa …

Arrest Shabu

P142.8-M ‘obats’ nasabat; 2 tulak timbog sa buybust

NASAMSAM ang hindi bababa sa P142,800,000 halaga ng hinihinalang shabu, habang nadakip ang dalawang pinanininiwalang …

NBI NMIS

Sa isang ‘planta’ sa Makati  
KARNE NG ASO FOR SALE ONLINE, 5 VIETNAMESE  ARESTADO

NASAKOTE ang limang Vietnamese nationals na pinaniniwalaang sangkot sa bentahan online ng processed dog meat …

arrest, posas, fingerprints

Kulang 48 oras
SINIBAK NA PARAK, KASAPAKAT ARESTADO SA PINATAY NA PULIS SA BULACAN

NAARESTO ng Police Regional Office 3 ang dalawang suspek na sangkot sa pamamaril sa isang …

Nueva Ecija Police PNP

2 bangkay sa sinunog na kotse kinilala ng pulisya, 2 POI tinutugis

PINANGALANAN nang pulisya ang dalawang bangkay na natagpuan sa sinunog na kotse sa Barangay Sinasajan, …