Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rapper Pio Balbuena nag-donate 20 laptop suporta sa adbokasiya ni Bam Aquino  

KAHANGA-HANGA ang ginawang pagdo-doante ng rapper na si Pio Balbuena ng 20 laptop sa Marikina High School. Ito’y bilang suporta niya sa adbokasiya ni Senador Bam Aquino para sa edukasyon.

Dalampung laptop nga ang ibinigay ng rapper sa Marikina High School gamit ang kita mula sa pagbebenta ng kanyang 1-of-1 Tambay cap.

Sa kanyang pinakabagong vlog, inanunsiyo ni Pio na ginamit niya ang P155,000 na pinagbentahan ng cap para ipambili ng laptop.

Ang Tambay cap ay binili ng negosyanteng si Sam Illano sa pamamagitan ng isang bidding process.

Ayon kay Pio, layunin ng kanyang inisyatiba na makapag-ambag sa pagsusulong ni Sen. Bam ng de-kalidad na edukasyon.

 “Ngayon natuwa ako sa advocacy niya (Sen Bam) kaya ang gianwa k na lang, pina-bid ko na lang ito at iyong pera itutulong namin sa school,” paliwanag ni Pio.

Dahil na-inspire sa ginawa ni Pio, nagdagdag pa ng ₱155,000 halaga ng laptop ang may-ari ng Easy PC, na isa ring tagasuporta ni Sen. Bam, para sa mga estudyante ng Marikina High School.

Umabot sa 20 units na may kabuuang halagang ₱363,000 ang naipagkaloob na donasyon.

“Sen. Bam, shoutout sa iyo, idol na idol ka ng mga tagarito. Buti talaga isinama mo ako sa Senate,” ani Pio, na naging panauhin ni Sen. Bam sa pagbubukas ng ika-20 Kongreso.

Personal na iniabot ni Pio ang mga laptop sa mga opisyal at estudyante ng Marikina High School, at sinabing maaaring gamitin ito ng parehong guro at mag-aaral. 

“Ito na ang ipamimigay mula sa Easy PC, sa Tambay at kay Senator Bam Aquino para sa advocacy natin. Sana magamit niyo ito sa faculty o sa ano pa man,” sabi ni Pio, at idinagdag na may naka-install na Windows sa mga laptop at handa na para gamitin ng mga estudyante.

“Ito ay support ko rin kay Senator Bam kasi iyong talagang goal niya is iyong para sa mga estudyante, para sa pag-aaral, sa edukasyon, at siyempre kasama na rin doon ang mga teacher. Kaya masayang-masaya rin ako na nakabalik sa senado si Sen. Bam at iyon agad ang unang-unang gusto niya na trabahuin, ang kapakanan ng mga guro, ng mga estudyante at ng edukasyon mismo, pangkalahatan,” dagdag pa niya.

Noong panahon ng kampanya sa pagka-senador, ilang ulit na ipinahayag ni Pio ang buong suporta niya kay Sen. Bam sa mga social media accounts niya at nakipag-collab pa ng vlog kasama ang senador.

Sa isang hiwalay na Facebook Reel, binigyang-diin ni Pio ang halaga ng Free College Law sa mga kabataang out-of-school sa pamamagitan ng pagtatanong sa kanyang kaibigang “tambay” kung bakit ito naka-uniporme, na sinagot naman ng, “Hindi mo ba alam, may libreng kolehiyo na para sa mga tambay.”

Nagsilbing host ang Lungsod ng Marikina, na pinamumunuan Mayor Maan Teodoro, kina Pio at Easy PC sa isinagawang turnover ng mga laptop sa napiling paaralan.

Si Pio rin ang may-ari ng internationally recognized na “Tambay” caps. Sa pamamagitan ng kanyang kompanya na Tambay Traders Inc., nagbibigay din siya ng kabuhayan sa mga walang trabaho.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …