Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vince Dizon DPWH

Perpetual ban sa kontratista ng proyektong ‘patay na pinipilit buhayin’ sa Plaridel, ipinataw ng DPWH

HABANG panahon nang hindi makakakuha ng anumang kontrata sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga kontratista at mga kaugnay na kompanya, na nasa likod ng dapat sana’y proyekto kontra baha na naging ‘guni-guni’ na lamang.

Ito ang tiniyak ni DPWH Secretary Vivencio Dizon matapos ang ginawang inspeksiyon sa ginagawang dike na nasa gilid ng Angat River at malapit sa North Luzon Expressway (NLEX) sa Brgy. Sipat, Plaridel, Bulacan.

Ipinaliwanag ng kalihim na ito ang proyektong ‘patay na pero pinipilit pa ring buhayin’.

Ibig sabihin, isa na itong ‘guni-guni’ o ghost project na dapat nasimulan noong Marso 2024 at natapos sana noong 2024. Sa kabila nito, walang anumang naitayo o nagawa sa P96.4 milyong halaga ng proyekto na pinondohan mula sa Pambansang Badyet ng 2024.

Base sa tala ng DPWH, nabayaran na noong Hulyo 21, 2024 ang kontratista nito na Wawao Builders kahit hindi naisakatuparan ang proyekto pero deklaradong tapos na.

Nang pinaigting ni Pangulong Ferdinand Marcos ang kampanya laban sa mga palpak at hindi ginawang mga proyekto kontra-baha, dito madaliang sinimulan ng nasabing kontratista ang pagpapagawa sa dike na dapat nagawa na noong isang taon.

Naabutan pa ni Secretary Dizon na basa pa ang ibinuhos na semento at malambot pa ang bagong tambak na lupa na indikasyon na madalian itong ginawa.

Ayon kay Kapitan Oscar Gabriel ng Sipat, ang proyektong kontra-baha na ito ay dapat magbibigay ng proteksiyon sa 476 na pamilya o katumbas ng 2,004 na mga indibidwal na naninirahan sa Casa Vista, na isang pabahay ng National Housing Authority (NFA).

Malaking banta sa mga tagarito ang pag-angat ng tubig sa Angat River sa panahon ng tag-ulan lalo na kapag nagpapakawala ng tubig ang mga dam ng Bustos, Ipo at Angat sa Norzagaray.

Samantala, sinabi rin ni Secretary Dizon na titiyakin ng ahensiya na masasampahan ng malalakas na kaso sa Ombudsman ang sinumang taga DPWH, na nasangkot sa pumalpak na proyektong kontra baha.

Sa ngayon, nais ng kalihim na matapos sa tamang pamamaraan at paggawa ang nasabing mga dike habang isinasagawa ang mga imbestigasyon at pagpapanagot sa mga nagpabaya. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …