Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Henry Alcantara

Henry Alcantara pinanatili pagiging inosente sa flood control probe

INAMIN ni dating Bulacan first district engineer Henry Alcantara na inosente siya sa gitna ng mga alegasyon ng kawalan ng katapatan sa bansa at matinding maling pag-uugali kaugnay ng flood control mess.

Sa pahayag na inilabas ng kaniyang mga abogado nitong Sabado, 6 Setyembre, itinanggi ni Alcantara na siya ang “king pin” ng mga ghost flood control projects sa Bulacan.

Sa binasang pahayag, “Pinapanatili ni Engr. Alcantara ang kaniyang kawalang-kasalanan: hindi siya ang may-akda ng mga di-umano’y mga ghost project na ito. Anumang maling gawain ay ginawa sa likod niya, nang hindi niya nalalaman, pumayag, o nag-apruba.”

Dagdag pa sa pahayag, “Lalabanan ni Engr. Alcantara ang bawat akusasyon na diumano ay nilahukan niya at/o nakinabang sa anumang labag sa batas na pamamaraan.”

Ibinigay din ni Alcantara ang kaniyang pangakong ipagpatuloy ang pakikipagtulungan sa mga pagsisiyasat sa mga proyekto sa pagkontrol sa baha.

Inihayag pa niya na, “Kami ay kumpiyansa na sa takdang panahon, ang katotohanan ay lalabas at si Engr. Alcantara ay malilinis sa mga walang basehang akusasyon na ipinapataw laban sa kanya.”

Sa isang desisyon na may petsang Setyembre 4, 2025,  inalis ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon si Alcantara sa serbisyo dahil sa disloyalty sa republika, grave misconduct, gross neglect of duty, at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Noong Martes, 2 Setyembre, inamin ni Alcantara sa imbestigasyon ng Kamara na naglabas siya ng certificate of completion sa P55-milyong flood control project sa Baliwag, Bulacan, na lumabas na ghost project, at gumamit siya ng pekeng ID para makapasok sa mga casino.

Sa kaniyang panunungkulan bilang unang inhinyero ng distrito, pinangasiwaan ni Alcantara ang 13 lokalidad sa Bulacan, kabilang ang mga madaling bahain tulad ng Hagonoy, Baliwag, Calumpit, at Malolos.

Ang kanyang opisina noon ang may pinakamalaking halaga ng proyekto sa mga implementing office ng DPWH at mayroon itong 450 flood control projects na may kabuuang halaga na P28.9 bilyon mula 2022 hanggang 2025, ayon sa datos sa Sumbong ng Pangulo website. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …