Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ara Mina

Ara ok lang ‘di man nasungkit Best Actress trophy sa FAMAS

RATED R
ni Rommel Gonzales

TINANONG namin si Ara Mina kung ano ang naramdaman niya na hindi siya nanalo sa 73rd FAMAS Awards na nominado siya bilang Best Actress para sa pelikulang  Mamay: A Journey to Greatness?

“Okay, okay, siyempre okay lang kahit hindi ako pinalad kasi ma-nominate ka lang,” umpisang reaksiyon ni Ara.

“Sa dami ng mga movie nitong nakaraang taon, eh puwedeng maraming ma-nominate, pero mapili ka, sobrang ano na ‘yun, malaking factor.”

Akala nga ni Ara ay sa Best Supporting Actress category siya papasok.

“Yes, akala ko nga sa supporting ako, kasi support naman talaga ako sa pelikula.”

Ang mga nakalaban niya sa  Best Actress category ay sina Judy Ann Santos, Kathryn Bernardo, Julia Montes, Rebecca Chuaunsu, at Marian Rivera.

“Noong nakita ko ‘yung ano (lists), sabi ko oh, okay, happy, nakaka-happy.”

Si Marian ang itinanghal na Best Actress para sa pelikulang Balota.

“Hindi ko nga napanood eh, pero I think she deserves it, nababalitaan ko sa reviews.”

Hindi man wagi si Ara ay happy siya dahil humakot naman ng award sa FAMAS ang kanilang pelikula.

“Oo nga! Kasi ‘yung story talaga, kakaiba ‘yung story ni mayor, kaya tinanggap ko rin ‘to.

“At saka nakita niyo naman ako, nag-Muslim outfit talaga ako riyan. Tapos ‘yung mga suot ko riyan na Jihab, kay wife talaga ni mayor ‘yun, pinahiram niya sa akin.

“First time ko nagsuot dito sa ‘Mamay’ ng ganon and then second time sa ‘Fatherland.’”

Limang major awards at dalawang special awards ang naiuwi ng Mamay: A Journey To Greatness at ito ay ang Best Supporting Actor (Jeric Raval); Best Production Design (Cyrus Khan); Best Cinematography (Gilbert Obispo); Best Musical Score (Neal “Buboy” Tan); Best Original Song (Hamon by Gerald Santos composed by Vehnee Saturno); Film Producer of the Year – Mamay Productions at Presidential Awardee (Hon. Marcos Mamay na alkalde ng Nunungan, Lanao del Norte).

May FAMAS trophy na si Ara.

Yes, ‘Ang Huling Birhen sa Lupa.’”

Ipinalabas ang naturang pelikula ni Ara noong 2003 na itinanghal siyang FAMAS Best Actress.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …