Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

Rapist na senior, most wanted, 9 pa arestado ng Bulacan PNP

SAMPUNG wanted na indibidwal, kabilang ang Top 2 Most Wanted Person sa municipal level ang naaresto sa pinaigting na manhunt operations na isinagawa ng pulisya sa Bulacan hanggang kahapon.

Sa ulat ni Police Lt. Colonel Jerome Jay S. Ragonton, hepe ng Plaridel MPS, naaresto ang Top 2 MWP (Municipal Level) ng Plaridel, 65 anyos, dakong alas-8:30 ng gabi nitong Setyembre 3, 2025 sa Brgy. Sipat, Plaridel. 

Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa mga kasong Lascivious Conduct at dalawang kaso ng rape na inilabas ng RTC, Malolos, kung saan walang inirekomendang piyansa.

Sa kaparehong operasyon, nagsagawa rin ng manhunt operations ang tracker teams ng Marilao, Meycauayan, Norzagaray, Baliwag, at Malolos C/MPS, kasama ang Bulacan 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company, na nagresulta sa pagkakaaresto ng siyam pang wanted persons. 

Ang mga naarestong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya at isasailalim sa tamang disposisyon sa kinauukulang  korte.

Ang serye ng mga operasyon ng Bulacan PPO sa pangunguna ni Provincial Director PColonel Angel L. Garcillano at sa ilalim ng pamumuno ni PBGeneral Ponce Rogelio I. Peñones Jr., regional Director ng PRO 3, ay patunay ng kanilang matibay na paninindigan sa paglaban sa kriminalidad at sa pagtugis sa mga wanted na indibidwal. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …