Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Innervoices

Patrick at ibang miyembro ng Innervoices mabilis nag-jive

RATED R
ni Rommel Gonzales

APAT na buwan na simula noong maging regular vocalist ng InnerVoices si Patrick Marcelino ng boy band na pinamumunuan ni Atty. Rey Bergado. Natanong namin kung kumusta na siya sa grupo?

Talaga pong ano eh, kahit ako po, every week nag-eensayo po kami para roon sa mga upcoming show.

“Like bago pa lang kami rito sa Noctos, so we want to make sure na solid ‘yung performance.

“Kasi minsan ‘pag matagal kang hindi nakapag-perform may time hindi maiiwasan na may magkamali or… kahit naman ako eh, actually lahat naman kami but hindi namin tinitingnan na failure iyon o weakness namin.

“So every week talaga nag-eensayo kami.”

Ang Noctos Music Bar ay matatagpuan sa sa Scout Tuason sa Quezon City na naka-jam na ng InnerVoices si Arnel Pineda na lead vocalist ng international group na Journey, pati na rin ang sikat na OPM band na Neocolours.

Sina Atty. Rey, kumusta ang adjustment with Patrick?

Saglit lang! Siguro right away naka-adjust na kami agad kasi nakakasama na namin siya even before.”

Kaya wala raw silang anumang naging adjustment kahit noong bago-bago pa lang sumasalang bilang regular na bokalista si Patrick.

Good news pa, irere-imagine nila ang mga dati nilang original songs.

Iyon,“ bulalas ni Atty. Rey, “so after nitong apat na mga  kanta na ini-release namin, iyon ang gagawin namin, ‘yung mga old song namin ilalabas namin.”

Magre-record sila ulit ng mga dati nilang kanta na boses na ni Patrick ang maririnig at hindi iyong dati nilang bokalista.

Ang apat na kare-release lamang na kanta ng InnerVoices ay ang Meant To Be (na nilikha ni Atty. Rey), Idlip, Galaw, at T. H. A. L. (Tubig, Hangin, Apoy, Lupa).

Natanong naman si Atty. Rey kung gaano sila kadalas magpalit ng set list ng mga kanta o repertoire.

Ayon kay Atty. Rey, “May mga staple kami, ‘yung mga New Wave laging nandiyan ‘yan. Pero paminsan-minsan, ‘pag nakita namin maraming bata naglalagay kami ng pambata.

“‘Pag nakita namin na mukhang OPM ang gusto. Lalo foreigners, minsan sila ‘yung 

kumakanta ng OPM.”

Nagpe-perform din ang InnerVoices sa Hard Rock Café sa Glorietta sa Ayala at sa Conrad Hotel sa Manila, at sa Aromata sa Scout Lazcano, QC.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …