Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Shabu

P1.7-M shabu huli sa 2 tumandang tulak sa Bulacan

DALAWANG lalaki na sinasabing tumanda na sa pagtutulak ng ilegal na droga ang nahulog sa kamay ng batas sa isinagawang anti-illegal drug operations sa Bulacan.

Sa ulat mula kayPLt.Colonel Leopoldo L/ Estorque Jr., acting chief of police ng Calumpit MPS, si alyas “Sacho”, 63-anyos, tricycle driver na residente ng Brgy. San Marcos, Calumpit ay naaresto ng mga operatiba ng  Calumpit MPS Station Drug Enforcement Unit (SDEU) dakong alas-10:45 ng gabi kamakalawa.

Narekober ng mga operatiba sa suspek ang  200 gramo ng shabu na may halagang P1, 360, 000.00, isang black sling bag, weighing scale, assorted drug paraphernalias, empty sachets at marked boodle money na ginamit sa operasyon.

Samantala, sa bayan ng Santa Maria, sa ulat naman mula kay P/Lt. Colonel Voltaire Rivera, hepe ng Santa Maria MPS. ay arestado si Angelito Pabito y Verano, alyas Kalbo, 50-anyos, na isang high value individual (HVI), tubong Tondo, Maynila at residente ng Sitio Hulo, Alday Compound, Brgy. Mag-asawang Sapa, Santa Maria.

Napag-alamang isang Anti-Illegal Drug (Buy-Bust) Operation ang isinagawa ng mga elemento ng SDEU ng Santa Maria MPS na nagresulta sa pagkakadakip kay alyas “Kalbo” kamakalawa.

Nakumpiska sa suspek ang  humigit-kumulang 60 gramo ng hinihinalang shabu, na may standard drug price na Php 408,000.00 at ang PhP1, 000 pera na ginamit bilang buy-bust money. 

Ayon kay Police Colonel Angel Garcillano, provincial director ng Bulacan PPO, ang  pagkakaaresto kina alyas “Sacho” at alyas “Kalbo” ay nagpapatunay ng kanilang masidhing hangarin na masugpo ang pagkalat ng iligal na droga sa lalawigan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …