Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Huwag Kang Titingin Bryan Dy Annette Gozon Valdes  Sofia Pablo Allen Ansay

GMA, Mentorque sanib-puwersa sa isang horror film

HARD TALK
ni Pilar Mateo

SIGNED. Sealed. Delivered.

Naganap sa isang bulwagan sa GMA-7 ang pirmahan ng kontrata. Dumalo ang senior vice-president ng network at isa na ring producer sa kanyang GMA Pictures na si Annette Gozon Valdes at head honcho ng mga makabuluhang pelikula gaya ng Mallari at Uninvited na si Bryan Dy para sa kanyang Mentorque Productions.

Magsasanib-pwersa sa paghahatid ng malaking proyektong ang susugalan ay pawang mga raw at fresh na talento ng Sparkle. Sa horror pic na Huwag Kang Titingin.

Pagdating naman kasi sa mga pelikulang may hugot sa paghahatid ng may kislot sa upuan, tiliang umaatikabo at kurot sa puso na pelikula, ‘di maiitsapwera ang Mentorque.

Sa ilang pagkakataong nagku-krus ang landas nila, hindi matatapos ang usapang walang nababanggit sa yayaan para magsama sa isang proyekto o gumawa ng pelikula.

Eto na nga ‘yun! Tuluy na tuloy na.

Pang-festival ba ang naka-set na sa buwang ito na mag-shoot sa  sari-saring lokasyon sa Batangas, na balwarte ng Mentorque dahil maraming nae-explore  na  lokasyon dito ang produksiyon. O sa mas magandang panahon?

Walang plano si Bryan. Pero si Annette, pwede naman daw. Kaya depende pa rin sa maraming factors ang mangyayari.

As a token of appreciaion for Annette and the company, binitbit ni Bryan ang isang estatwa. Ni Severino Mallari na ipinagkaloob kay Annette at sa GMA as a token of appreciation sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong maging bahagi nito ngayon.

Ipinakilala ang mga magsisiganap sa ididirehe ni Frasco Mortiz na horror film. Katuwang ang assistant director na si Patrick  Cabuniag.

Isasabay sa panahon ng Gen-Z.  Na may sasalimbay na pangyayari sa nakaraan.

Tambalang Sofia Pablo at Allen Ansay. Sasama sina Marco Masa, Josh Ford, Anthony Constantinoand Sherilyn Reyes.

May ilan pang mahalagang papel na naghihintay na lang na aakma sa karakter na mga artista.

All set na,  sabi nga!

Patuloy naman ang pagdating ng katakot-takot na biyaya kay Bryan at sa kanyang Mentorque. Ilang parangal ang tinanggap niya para sa Uninvited at ang mataas na parangal para kay Batangas Governor Vilma Santos.

At ngayon naman ay ang walong nominasyon para sa 27th Gawad Pasado. 

Ano naman kaya ang hatid ng istorya ni Ays de Guzman para hindi tayo mabuyo na tumitingin sa pinipigilang ikot ng istorya. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …