RATED R
ni Rommel Gonzales
Nakabibilib si Kenneth Marcelino, reigning Mr. Pilipinas Worldwide Cosmopolitan 2025, dahil proud siya na miyembro ng LGBTQIA+ community.
Kuwento niya, “Hindi ko po siya naturally na-out sa family ko, pero support po nila ako kung ano po ako ngayon.”
Bihira ang isang male pageant title-holder na out and proud gay.
“Masarap po sa feeling, kasi marami pong part na… ‘yung part na LGBT like minsan natatakot silang maging kung sino sila or kung ano ‘yung talent na mayroon sila.
“Like kasi kunwari kung gusto ko ‘yung ginagawa ko before pa, siguro matagal ako nag-start mag-makeup artist, pero kasi lately lang, so lately natutunan ko rin kung paano maging totoo sa sarili.”
Makeup artist by profession si Kenneth.
“So kaya now, I’m very happy kasi lalo’t may mga tao na sinusuportahan pa rin nila kahit sino ako.”
Ano ang konek niya sa online gaming app na Playtime na endorser sina Vic Sotto at Heaven Peralejo?
“I won the Mr. Playtime po. Sila po kasi ‘yung sponsor namin sa Mr. Pilipinas 2025.
“Special award po ng Playtime. Parang sa Binibining Pilipinas po, sa amin naman po sa Mr. Pilipinas Worldwide is Mr. Playtime naman po.”
Nasa Bangkok, Thailand ngayon si Kenneth para i-represent ang Pilipinas sa Mister Cosmopolitan 2025.
“September 5 po is our preliminary competition and September 7 naman po is our coronation night.”
May plano ba siyang mag-showbiz at mag-artista?
“Mag-showbiz po? ‘Pag ano po, ‘pag nasabihan po or ‘pag may nag-alok po sa akin.”
Sino ang paborito niyang artista? Isang babae, isang lalaki.
“Sa aktingan po si Ms. Jodi Sta. Maria, sa lalaki si ano po, si Coco Martin.”
Nakita mo na ba ng personal si Coco Martin?
“Hindi pa po, eh.”
‘Pag nakita mo si Coco, ano ang sasabihin mo sa kanya?
“Ano eh, parang mangungulit ako, na baka puwede akong makasali sa ‘Batang Quiapo,’” at tumawa si Kenneth. ”Baka puwede, ganoon kasi ‘yung lola ko lagi kaming nanonood ng ‘Batang Quiapo.’”
Kay Jodi anong sasabihin mo?
“Puwede akong ano niya, anak-anak, sa mga movie.”
Wika pa ng 25 year-old na si Kenneth.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com