Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Tatak Singkaban Trade Fair 2025

Mga produktong lokal ng Bulacan, ibibida sa ‘Tatak Singkaban Trade Fair’

UUMPISAHAN na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang selebrasyon ng taunang Singkaban Festival sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga Bulakenyo na tangkilikin ang mga lokal na produkto sa Tatak Singkaban Trade Fair 2025 na inorganisa ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO).

Bida sa trade fair ang 50 local Micro and Small Enterprises (MSEs) kung saan maaaring makapamili ng mga produktong natatangi sa mga bayan ng Bulacan. Tatakbo ang trade fair mula Agosto 31 hanggang Setyembre 4, 2025 mula ika-10:00 ng umaga hanggang 9:00 ng gabi.

Nagparating naman ng kaniyang personal na imbitasyon sa mga Bulakenyo si Gobernador Daniel R. Fernando at hinikayat na suportahan ang trade fair dahil hindi lang makikita rito ang husay ng ekonomiya ng lalawigan kundi pati na rin ang gandang pamanang kultural.

“Inaanyayahan ko po kayong lahat na suportahan ang mgaproduktong gawa ng mga Bulakenyo at nang maranasan din ninyo ang sarap ng pamanang bigay ng kultura ng aminglalawigan,” dagdag pa niya.

Magpapatuloy naman ang pagdiriwang na ito sa ikalawang bahagi ng trade fair Setyembre 8-14 sa harapan ng gusali ng Regional Trial Court sa loob ng Capitol Compound dito sa Lungsod ng Malolos. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …