RATED R
ni Rommel Gonzales
ITINANGHAL na Male Celebrity of the Night si Joshua Garcia sa katatapos na 37th Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC).
Ang naghandog o nag-sponsor ng special award ay ang singer na tinaguriang Revival King, si Jojo Mendrez.
Tinanong namin si Jojo kung bakit si Joshua ang napili niya noong gabi ng parangal?
“He deserved to win naman noong gabi na ‘yun. Siyempre Joshua Garcia, more than anything at talagang celebrity ang dating niya.
“‘Yung tipong artistahin talaga na kapag nakita mo ay mapapa-wow! ka sa kanya.”
Unang beses pa lang na nakita ng personal ni Jojo si Joshua.
“First time ko kasi siya nakita. Actually hindi dapat kami magkikita kasi masama rin pakiramdam ko.
“Sabi ko kay Rodel (Fernando) PMPC officer, host na lang ang magtawag doon sa segment na Celebrities of the Night.
“Pero noong paalis na ako nasa elevator na ako I got calls na pinababalik ako kasi ako raw dapat mag-announce ng winners.”
Ano ang naramdaman ni Jojo nang nakaharap na niya sa unang pagkakataon ang Kapamilya actor?
“Ha! Ha! Ha! Para akong natulala, yes! Hindi ko alam [kung] bakit. Siguro nabigla ako dahil kumamay siya sa akin na alam naman niya na hawak ko ‘yong microphone kaya inilipat ko ‘yung mic sa kabila kong kamay para kamayan siya.
“Sino ba naman ang hindi matutulala sa isang Joshua Garcia, ‘di ba? Halos lahat iniidolo siya kasi ang galing niyang umarte.
“Siyempre ang guwapo niya at ang lakas ng appeal. Sa totoo lang hindi lang ako natulala kundi kinilig pa ako that night. Ha! Ha! Ha!”
Talent ni Rams David ng Artist Circle management si Jojo kasama sina Shyr Valdez, Wilma Doesnt, Odette Khan, Cheche Tolentino, Jess Martinez among others.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com