Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Clark Pampanga

P75-M halaga ng shabu nasabat sa Clark Freeport Zone

MATAGUMPAY na naharang ng Bureau of Customs at Clark Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (CRK-IADITG) na pinamumunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region III, ang isang high-value shipment ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P75,072,000 sa isinagawang operasyon ng joint airport interdiction sa Clark Freeport Zone, nitong Sabado ng hapon, 30 Agosto.

Nasamsam ng mga awtoridad ang isang kahina-hinalang parsela na idineklara bilang “Industrial Water Chiller” na may tracking number na 883725003206, na ipinadala mula sa Mexico at naka-consign sa isang address sa Cainta, Rizal.

Sa pag-inspeksyon, natuklasan ng mga operatiba ang 11.04 kilo ng shabu na nakatago sa loob ng kargamento, habang dinakip ang dalawang suspek na kinilalang sina alyas Dexs, 52 anyos, mula Cebu; at alyas Maca, 54 anyos, mula sa Tarlac.

Parehong mahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Section 4, 11, at 20, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Isingawa ang joint operation ng Bureau of Customs at PDEA Region III CLARK – IADITG sa pakikipag-ugnayan sa mga sumusunod na ahensyang katuwang tulad ng PDEA Pampanga Provincial Office; National Bureau of Investigation (NBI) Pampanga District Office; -PNP Aviation Security Unit 3; PNP Drug Enforcement Group (PDEG); PNP Mabalacat CPS;  at Bureau of Customs – Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF), Port of Clark.

Kasama sa mga narekober na piraso ng ebidensiya ang mga dokumento ng pagkakakilanlan, isang mobile phone, sasakyan, at iba’t ibang papeles sa pagpapadala na ay kaugnayan sa tangkang smuggling.

Kinumpirma ng PDEA Regional Office III na sasailalim sa laboratory examination ang mga nakumpiskang substance habang nasa kustodiya na ngayon ang mga naarestong personalidad.

Parusang habambuhay na pagkakakulong at multang mula P500,000 hanggang P10,000,000 ang naghihintay sa mga suspek kung sila ay mapatunayang nagkasala.

Samantala, pinapurihan ni PDEA Director General Usec. Isagani Nerez ang tuluy-tuloy na pagtutulungan ng lahat ng law enforcement at border control agencies sa walang humpay na pangako ng gobyerno na putulin ang supply ng iligal na droga sa mga daungan ng pagpasok ng bansa. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …