Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ombudsman Senate IBMI

Ombudsman mas makapangyarihan kaysa Senado – NGO-ipaBITAGmo Inc.

PINANGUNAHAN na ng IpaBitagMo Inc. (IBMI-NGO) sa Ombudsman na itigil na ang kanilang nakabibinging pananahimik at sa halip ay umpisahan ang motu proprio investigation.

Ang hakbangin ng IBMI-NGO ay kaugnay sa maanomalyang flood control project ng mga kontratista ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagkakahalaga ng kalahating trilyong pisong.

Kamakailan, mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ay nagpahayag na ng kaniyang pagkagalit. Naglibot ang pangulo sa mga sinabing flood control project na pawang mga “ghost” sa Bulacan.

Sa pulong balitaan sa Quezon City ng IBMI-NGO, kasama ang mga corporate legal counsel nito, sinabi ni Ben Tulfo at ng kanilang mga corporate lawyer na  mandato ng Ombudsman na mag-imbestiga sa mga iregularidad at anomalya sa pamahalaan. 

Hindi na dapat hintayin pa ng Ombudsman ang resulta ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee. Bagkus, kumilos na ang Ombudsman at magsagawa ng kanilang hiwalay na motu proprio investigation.

“Ang Ombudsman talaga ang may mandato na mag-imbestiga sa mga iregularidad at anomalya sa pamahalaan. Umamin na rin si DPWH Secretary Manuel Bonoan na totoo ngang may ghost flood control project sa DPWH,” dagdag ni Tulfo.

Ito ang nagtulak sa IBMI-NGO para magsusumite ng petition letter sa Ombudsman nitong 27 Agosto 2025.

Samantala, ibinunyag rin ng volunteer-advocate na si Ben Tulfo na ang mga proponents sa likod ng bilyong-bilyong pisong flood control projects ng DPWH. Sila umano ang mga politikong kongresman at ilan ay mga senador.

“Sino-sino ba ang mga proponent — mga kongresman, senador! Sila rin ang mga nagpaplanta ng mga tao sa mga district office ng mga DPWH sa iba’t bang rehiyon at probinsiya,” paliwanag nito.

Pinagtibay ng kanilang lead legal counsel na si Atty. Rean Balisi ng IBMI-NGO, na wala silang nakikitang conflict kung magkakaroon nang sabay at hiwalay na imbestigasyon ang Ombudsman sa Senado.

Ang gustong mangyari ng IBMI-NGO, ihiwalay ang ‘reyalidad sa politika’.

Anila, ‘reyalidad’ – ang dapat na pagkilos ng Ombudsman at pagsasagawa ng fact-finding investigation o preliminary investigation. Pagkalap sa lahat ng mga dokumento, ipatawag ang mga sangkot na mga kontratista, mga opisyal ng DPWH at mga proponent na mga politiko sa anomalyang ito.

Politika – pahayag ng mga politiko sa isyung ito kung ano ang kanilang nalalaman sa katiwaliang ito at mga hakbang na kanilang gagawin in aid of legislation at magrekomenda kung sino ang gusto nilang panagutin na isusumite pa sa Ombudsman.

Samantala, ang taong-bayan nasanay na gawing libangan o national pastime ang mga isyung kapareho nito. At ang media, patuloy sa kanilang pagbabalita na posibleng mauwi lang sa wala. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …