ANG magkasanib na operasyon ng pulisya sa Region 3 ay nagresulta sa pagkakaaresto sa isang notoryus na lider ng criminal group sa Tarlac kamakalawa.
Kinilala ang naaresto na si Julius Salazar, ang sinasabing lider ng Salazar Criminal Group na sangkot sa illegal drug pushing at carnapping activities sa Tarlac.
Ang pagkaaresto kay Salazar ay isinagawa dakong alas-5:00 ng hapon sa Brgy. Buenlag, Gerona, Tarlac ng pinagsanib na puwersa ng Gerona MPS, PIU Tarlac PPO, PHPT Tarlac, RSOG 3-RID, 21st Special Action Company (SAC), 2nd Special Action Battalion (SAB), PIT Tarlac, at RIU 3.
Si Salazar ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Carnapping sa ilalim ng RA 10883 na inilabas ni Judge Maria Roma Flor Ortiz, presiding judge ng RTC Branch 63, tarlac City.
Kaugnay nito ay ipinahayag ni Police Regional Office 3 Director PBGeneral Ponce Rogelio I. Peñones Jr. na ang pagkakaresto sa naturang high value individual ay nagpapakita ng kanilang pangako na protektahan ang komunidad sa rehiyon sa mga criminal syndicates. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com