Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Money Thief

Sindikato ng mga scammer kumikilos…
SARI-SARI STORE OWNER NA-SCAM SA GCASH, 2 ARESTADO

DALAWANG lalaki na sangkot sa pangloloko at panlilinlang sa mga tinatarget na indibiduwal ang inaresto ng pulisya matapos mang-scam ng huli nilang biktima sa Gapan City, kamakalawa.

Ayon sa ulat mula kay PColonel Heryl “Daguit”” L. Bruno, provincial director ng Nueva Ecija PPO, nagreklamo ang isang 55-anyos na babaeng may-ari ng sari-sari store at residente ng Barangay Mahipon, Gapan City na nawalan siya ng Php 25,000 at Php 39,000 mula sa kanyang mobile wallet (G-Cash).

Ito ay matapos na ang isang grupo ng anim na hindi nakikilalang kalalakihan ay magsagawa ng sunod-sunod na transaksyon sa GCash ng biktima.

Ayon sa mga imbestigador, sunud-sunod ang modus ng mga suspek na gumawa ng ilang maliliit na cash-in transactions para malito ang biktima. 

Habang abala ang biktima sa pag-asikaso sa kanila, isa sa mga suspek ang kumuha ng litrato sa screen ng kanyang cellphone nang may lumabas na security code (OTP). 

Ang code na ito ay ginamit sa ibang pagkakataon upang mag-withdraw ng malaking halaga ng pera mula sa  account ng biktima nang walang siyang pahintulot.

Matapos mapagtantong na-scam siya, ipinost ng biktima sa Facebook ang CCTV footage na nagpapakita sa mga lalaki sa habang nasa kanyang tindahan. 

Kinalaunan,  isang concerned citizen ang nakakita sa dalawa sa mga suspek sa bayan ng San Leonardo kaya inalerto ang mga opisyal ng barangay. 

Dito na dinakip ng mga rumespondeng tanod ng Barangay Mallorca, San Leonardo ang dalawang suspek na positibong kinilala ng biktima sa mga tauhan ng San Leonardo MPS  na sina alyas Jose, 23 at alyas Ed, 22, kapuwa residente ng Sampaloc, Maynila.

Itinurn-over ang mga suspek sa Gapan City PS habang inihahanda na ang mga kasong Estafa (Swindling) at paglabag sa RA 8484 (Access Devices Regulation Act of 1998) laban sa kanila samantalng tinutunton pa rin ng mga awtoridad ang ibang miyembro ng grupo na nananatiling nakalaya.

Kaugnay nito ay nagbabala si P/Colonel Bruno sa publiko, na lumalaganap ngayon ang mga scam sa e-wallet, kaya maging mapagmatyag ang lahat at agad na i-report sa pulisya ang anumang kahina-hinalang transaksyon upang maiwasang mabiktima ng mga may pakana na ito. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …