Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
AJ Raval Jeric Raval Mamay

Jeric sa pag-lie low ni AJ sa showbiz: gusto niya ng tahimik na buhay

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGING kaswal si Jeric Raval sa pagbanggit tungkol sa dalawang apo niya sa anak na si AJ Raval at sa karelasyon nitong si Aljur Abrenica ng matanong tungkol dito.

Aniya, “Hindi naman rebelasyon ‘yun. Alam naman na ‘yun ng tao.”

Noon daw ay hindi naman siya natatanong tungkol sa pribadong buhay nina AJ at Aljur.

Ayon pa kay Jeric ay may dalawang anak na sina AJ at Aljur, isang babae at isang lalaki na kompirmasyon sa noon pa napapabalitang may anak na ang dalawa kahit walang inaamin ang mga ito.

Lahad pa ni Jeric, “Okay lang, sanay naman ako sa mga apo-apo. Fifteen na ‘yung apo ko, ang tawag nila sa akin ay Tatay Eric.”

Labingwalo ang anak ni Jeric sa iba’t ibang nanay.

Natanong si Jeric kung ano ang naramdaman niya noong una niyang malamang buntis si AJ.

There’s nothing I can do about it. At saka she’s old naman na, Alam na niya ‘yun. Hindi naman na siya 16 o 17 years old para bawalan sa mga ganyan.

“Ako kasi, ‘yung anak ko, mahal ko ‘yan, eh. Kung saan siya masaya, masaya na ako.”

Ayon pa kay Jeric, hindi ang pagkakaroon ng mga anak ang dahilan kaya mas pinili ni AJ na mag-lie low na sa sa showbiz career nito.

Hindi.

“Mas gusto niya iyang ganyang buhay, ‘yung tahimik lang.”

Samantala, nagwaging FAMAS Best Supporting Actor si Jeric sa pelikulang Mamay: A Journey To Greatness.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …