Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sta maria Bulacan Police PNP

Senior citizen hinoldap ng tatlong bisayang holdaper

SA MABILIS na pagresponde ng pulisya ay kaagad naaresto ang tatlong Bisayang holdaper na bumiktima ng isang senior citizen sa Santa Maria, Bulacan kahapon, Agosto 26.

Sa ulat mula kay Police Lt. Colonel Voltaire Rivera, hepe ng Santa Maria MPS, kinilala ang tatlong naarestong suspek na sina Chilito Gloria y Cabe, 44, at kasalukuyang nainirahan sa 42-C Batasan Brgy. Commonwealth, Quezon City; Roque Lolog De Asis y Dollente, 50, dating police officer, residente ng Purok 7 Brgy. De Ocampo, Trese Martirez, Cavite; at Ric Empag y Pidimonte, 44, at  residente ng Elias St. Blumentrit, Manila, pawang mga tubong Patubig, Northern Samar.

Ang biktima ng panghoholdap ay nakilalang si Guillermo De Guzman y Odulio, lalaki, 71, may asawa, driver, senior citizen, negosyante, at residente ng 66 J.P. Rizal St. Brgy. Poblacion, Santa Maria, Bulacan. 

Napag-alaman sa inisyal na imbestigasyon na papunta sana ang biktima sa banko para magdeposito ng halagang Php 550,000.00. 

Pagdating sa parking area sa kahabaan ng A. Santiago St. Brgy. Poblacion, biglang lumapit sa likuran ang suspek na kinilalang si Chilito Gloria y Cabe at tinutukan ng baril ang biktima at kinuha ang pera. 

Pagkatapos nito, agad na sumakay ang suspek sa isang kulay pink na Yamaha Mio MXi 125 na motorsiklo na walang plate number, na minamaneho ng kanyang kasabwat na si Roque Lolog De Asis at tumakas patungo sa Brgy. Catmon, Santa Maria, Bulacan. 

Agad humingi ng tulong ang biktima sa isang traffic enforcer sa lugar, na agad namang inihatid ang insidente sa Santa Maria MPS. 

Mabilis rumesponde ang mga patroller na nagsasagawa ng mobile patrol at police visibility sa lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek sa loob ng 5 minutong response time (5MRT). 

Narekober mula sa mga suspek ang isang Glock 22 Gen. 4 cal. .40 pistol na may serial number AAMV111, isang magazine na kargado ng labindalawang live hollow point ammunition, isang pink na Yamaha Mio MXi 125 na motorsiklo na walang plate number (ginamit bilang get-away vehicle) at ang ninakaw na cash na nagkakahalagang Php 550,000.00. 

Sa follow-up investigation, ibinunyag ng mga naarestong suspek ang partisipasyon ng isang Ric Empag y Pidimonte, na nagsilbing spotter. 

Kaukulang reklamong kriminal laban sa mga naarestong suspek  ang nakatakdang isampa sa Office of the Provincial Prosecutor, City of Malolos, Bulacan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …