RATED R
ni Rommel Gonzales
ISA ang Cande sa mga full length feature entry sa Sinag Maynila Film Festival 2025.
Ang Candéay idinirehe ni Kevin Pison Piamonte, na artista sina JC Santos at Sunshine Teodoro.
Lahad ni direk Kevin, “Ang sabi ko, kung sino man ‘yung magpe-perform, dapat ma-deliver niya yung language. I will not alter it, ‘yung ganoon.”
Ilonggo film ang Cande at ang mga dayalog ay Hiligaynon.
“So we were looking for actors. And then, we have a copy of the script to JC Santos. Of course may subtitle na ‘yon para maintindihan niya,” pagpapatuloy ni direk Kevin.
“And then binalikan niya kami, and he said, hindi niya matatanggihan kasi ang ganda-ganda ng kuwento ng ‘Candé.’
“And I asked him, ‘Can you deliver the language?’ He said, aralin niya. So ‘yun, he had a dialogue coach, a very good dialogue coach.
“And if you watch the film, sakto talaga ‘yung punto. In fact, when he went to Iloilo for the special screening of ‘Cande,’ a lot of Ilonggos thought that he’s from Iloilo.
“Nagulat sila na he’s from Pampanga, he’s not from there. So ganoon, dapat ganoon, it’s a service to the script, ‘di ba?”
Tinanong ko si direk Kevin kung ano ang ibig sabihin ng ng Candé. Ito pala ay pinaigsing Nuestra Señora de Candelaria na patron ng lugar na sa kuwento ng pelikula ay isang chef mula New York ang uuwi sa naturang lugar dahil piyesta.
Gaganapin ang 7th Sinag Maynila indie film festival sa September 24-30, 2025.
Lima ang napili sa kategoryang Full Length Feature at ang mga ito, bukod sa Candé ay ang Jeongbu ni direk Topel Lee na bida sina Aljur Abrenica, Ritz Azul, at Empress Schuck; Madawag Ang Landas Patungong Pag-Asa (The Teacher) ni direk Joel Lamangan na bida sina Rita Daniela, Jak Roberto, at Albie Casiño; Selda Tres (Cell Number 3) ni direk GB Sampedro, na artista niya sina Carla Abellana, JM de Guzman, at Cesar Montano; at ang Altar Boy ng direktor na si Serville Poblete na artista sina Mark Bacolcol, Shai Barcia, at Pablo S.J. Quiogue.
Apat ang finalists sa Documentary-Open Call, samantalang sampu ang contenders sa Documentary-Students.
Labing-anim ang kalahok sa Short Films-Open Call, samantalang 25 ang kasali sa Short Films-Students.
Mapapanood ang mga film entries ng Sinag Maynila 2025 sa mga sinehan ng SM Mall of Asia, at SM Fairview, Gateway, Robinsons Manila, at Robinsons Antipolo.
Mura ang tiket sa mga sinehan, P250. Ang Sinag Maynila ay itinatag nina direk Brillante Mendoza at Mr. Wilson Tieng noong 2015.
Mahigit 300 pelikula ang pinagpilian ng screening committee para sa Sinag Maynila Film Festival 2025.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com