Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Shabu

8 miyembro ng pamilyang tulak tiklo sa anti-drug opn 

ARESTADO ang walong miyembro ng isang  pamilya na pinaghihinalaang mga tulak ng iligal na droga sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Mabalacat City, Pampanga kamakalawa.

Nagsanib-puwersa ang mga ahente ng PDEA Pampanga at Mabalacat City Police Station sa Pampanga sa paglulunsad ng operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng walong suspek.

Ang operasyon ay ikinasa dakong alas-9:02 ng gabi. sa Barangay Dau, Mabalacat City kung saan naaresto ang mga suspek na kinilala ng hepe ng PDEA  Pampanga Provincial Office na sina alyas Manny, 48, na siyang tumatayong drug den maintainer; alyas Gel, 52; alyas Chi, 54; alyas Ian, 33; alyas Kris, 55; alyas Lino,44; alyas Ely, 45; at lyas Inah, 27.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang kabuuang 12 piraso ng plastic transparent sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 18.77 gramo ng shabu, iba’t ibang drug paraphernalia, at ang marked money na ginamit ng undercover agent.

Ayon sa PDEA, nasa ilalim ng radar ng PDEA si alyas Manny at ang kanyang mga kasabwat na pamilya mula noong Hulyo 2025.

Pansamantalang ikukulong sa PDEA RO3 jail facility ang mga naarestong suspek, habang inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 para sa pagsasampa sa korte. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …