Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Motorcycle Hand

2 tirador na agaw-motorsiklo, nalambat

DALAWANG lalaki na pinaghihinalaang miyembro ng mga agaw-motorsiklo sa Bulacan ang magkasunod na nasakote ng pulisya sa Bulacan kamakalawa.

Sa unang ulat mula kay P/Lt.Colonel Jayson San Pedro, hepe ng Baliwag City Police Station, Isang alyas “Rommel” ang naaresto matapos na tangayin ang isang Yamaha Mio Sporty na walang plaka sa Brgy. Tangos, Lungsod ng Baliwag, Bulacan dakong alas-1:35 ng madaling araw kamakalawa.

Napag-alamang ipinarada ng biktima ang kanyang motorsiklo sa gilid ng kalsada upang kumain ng lugaw nang marinig niya na umaandar ito at makita ang suspek na pinatatakbo na ang kanyang sasakyan. 

Agad na humabol ang biktima at ang kanyang kasama gamit ang isa pang motorsiklo at matagumpay nilang nasakote ang suspek.

Ang suspek na si alyas “Rommel” ay dinala sa Baliwag City Police Station kung saan isinailalim sa kaukulang dokumentasyon at inabisuhan ng kanyang karapatan bago isailalim sa masusing imbestigasyon. 

Nakaantabay na rin ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016 laban sa kanya sa Office of the Provincial Prosecutor.

Samantala, ang mabilis namang aksyon ng Bulakan Municipal Police Station (MPS) ay nagresulta sa pagkakaaresto ng isang lalaki sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Brgy. San Francisco, Bulakan kamakalawa ng umaga.

Batay sa ulat ni P/Lt Colonel Melchor Buaquen, acting chief of police ng Bulakan MPS, kinilala ang naarestong suspek na si alyas Euguene, 30 anyos, residente ng Brgy. San Nicolas, Bulakan.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Malolos CPS na pinamumunuan ni Police Lt.Colonel Rommel E. Geneblazo, lumabas na iniwan ng biktima ang kanyang motorsiklo, isang itim na Euro Motor, sa tapat ng kanilang bahay sa Brgy. Taal, Malolos. 

Nang ito ay  kanyang balikan ay nadiskubreng nawawala hanggang sa isinagawang paghahanap, natunton ang motorsiklo sa isang vulcanizing shop sa Brgy. San Francisco na hawak ng suspek.

Dakong alas-9:40 ng umaga, nakatanggap ng tawag ang Bulakan MPS Tactical Operations Center (TOC) hinggil sa naawalang motorsiklo na naispatan sa naturang lugar. 

Kaagad na rumesponde sina PMSg Manuel Camba at Pat Edsel John Belmonte na nakatalaga bilang duty patrollers hanggang sa mabilis na tugon alinsunod sa Five-Minute Response Time (5MRT), naaresto ang suspek at nabawi ang ninakaw na motorsiklo.

Dinala ang suspek sa Bulakan MPS at kalaunan ay itinurn-over sa Malolos CPS para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng kaso sa Office of the City Prosecutor ng Malolos.

Kaugnay nito ay binigyang-diin ni PColonel Angel L Garcillano, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, na patuloy ang pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa mga carnapper at iba pang kriminal upang matiyak ang seguridad, kaayusan, at kapayapaan sa buong lalawigan ng Bulacan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …