Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Clark Pampanga

Sa Clark, Pampanga
3 suspek sa pagdukot sa 2 dayuhan timbog sa Pampanga

INARESTO ng pulisya ang tatlong lalaki sa Clark Freeport at Special Economic Zone, sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga, dahil sa pagkakasangkot sa pagdukot sa dalawang Korean national, nutong Linggo ng hapon, 24 Agosto.

Dinakip ng mga tauhan ng Mabalacat CPS ang mga suspek na hindi muna pinangalan, kamakalawa matapos makatanggap ng ulat na nagturo sa sasakyang ginamit sa pagdukot sa mga biktima.

Ayon sa ulat, matagumpay na nailigtas sa operasyon ang dalawang dayuhang biktima na kapwa residente ng lungsod ng Angeles kung saan narekober ng pulisya sa mga suspek ang tatlong baril, 44 bala at iba’t ibang ID.

Matatandaang nagbabala ang Korean Embassy sa unang bahagi ng taong ito sa kanilang mga mamamayan dito sa Filipinas na limitahan ang mga aktibidad sa labas dahil sa mga krimen.

Sa datos ng embahada noong Mayo, hindi bababa sa 200 na insidente ng krimen na kinasasangkutan ng mga Korean national ngayong taon.

Kabilang dito ang hindi bababa sa dalawang kaso ng homicide, tatlong kidnapping para sa ransom, at 11 armadong pagnanakaw.

Pahayag ng Presidential Anti-Organized Crime Commission na ang mga alalahanin sa seguridad ay humantong sa malaking pagbaba sa mga pagdating ng turista mula sa South Korea.

Sa kasalukuyan, mananatili ang mga suspek sa kustodiya ng pulisya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Ayon kay PRO3 Regional Director P/BGen. Ponce Rogelio Peñones, Jr., ang pambansang pulisya ay nakatuon sa pagpapalakas ng mga hakbang sa pagprotekta para sa mga mga dayuhan sa bansa. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …