Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
DigiPlus, nanguna sa 24 7 CX operational powerhouse
Tinutulungan ng mga CX representative ang mga manlalaro sa DigiPlus Merville studio sa pamamagitan ng pagsagot sa kanilang mga katanungan sa iba’t ibang plataporma: BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone.

DigiPlus, nanguna sa 24/7 CX operational powerhouse

IPINAGPATULOY ng DigiPlus Interactive Corporation, ang puwersa sa likod ng BingoPlus, ArenaPlus, at Gamezone, ang pagpapaunlad ng karanasan ng kanilang mga customer, o customer experience (CX), sa pamamagitan ng paghahandog ng 24/7 na suporta sa mga manlalaro, ang panibagong mataas na pamantayan sa industriya.

Umabot na sa 40 milyon ang nakarehistrong user sa DigiPlus, patunay lamang ito ng pagpapalawig ng kompanya ng kanilang operasyon sa larangan ng serbisyo sa mga customer, at paniniguradong naibibigay ang tulong sa pangangasiwa ng account, suporta sa mga transaksiyon, troubleshooting sa mga teknikal na aspekto, at pagpigil ng panloloko o fraud.

Simula noong lumipat sa digital na operasyon sa panahon ng pandemya, mas pinatingkad at lumalago ang komunidad na online ng DigiPlus, dahil sa e-games at iba pang handog sa entertainment. Dinala ang kasabikan at saya ng paglalaro sa mga tahanan, ginawang mas madali, masaya, at aksesibol ng DigiPlus ang paglalaro – kahit kailan, kahit saan.

Habang mas lumalaki pa ang DigiPlus, lumago na sa higit-300 ang miyembro ng customer support team nito, at planong umabot sa 450 sa dulo ng taon.

Pinapatunayan ng paglaki na ito ang pangako ng DigiPlus na maghandog ng mataas na kalidad na tulong sa mga manlalaro sa bawat interaksiyon. Sa pamamagitan ng implementasyon ng maayos na sistema ng suporta sa mga primary at premium tier, nakabuo na ang DigiPlus ng customer experience framework na hindi lamang nireresolba ang mga isyu kung hindi naghihikayat ng pagkakontento ng mga manlalaro sa iba’t ibang aspekto.

“Malaki ang gampanin ng pagpapalakas ng serbisyo sa mga customer sa pagsiguro na bawat hinaing ng manlalaro ay matutugunan nang mabilis at tama. Ang layunin ay itaas ang antas ng serbisyo at ipangako ang maagap na resolusyon sa mga isyu ng mga manlalaro, na patunay ng aming pangako na mapanatili ang kanilang kasiyahan sa paglalaro,” ani Customer Service Director Carlos Pio Feliciano.

Dahil malawak at mula sa iba’t ibang henerasyon ang mga manlalaro, nagbibigay-suporta ang DigiPlus sa iba’t ibang mga plataporma, gaya ng email, chat, at tawag. Sa pangkalahatan, halos milyong transaksiyon ang inaasikaso ng customer service team kada buwan. Pinakamadalas ang mga hinaing tungkol sa withdrawal, proseso ng KYC (Know Your Customer), pagiging patas ng laro, deposit, at pagrerehistro.

Dumaraan ang mga kinatawan sa masusing pagsasanay sa komunikasyon na sumasaklaw sa mahahalagang larangan gaya ng kaalaman sa produkto, mga teknik sa komunikasyon, pagresolba ng alitan, at teknikal na troubleshooting. Pangunahing prayoridad nila ang pagpapanatili ng transparency sa mga manlalaro at ang pagbibigay-alam sa kanila sa bawat hakbang ng proseso ng paglutas ng kanilang problema.

“Hindi natatapos ang aming pagtutok sa kahusayan pagkatapos lamang ng paunang pagsasanay,” dagdag ni Feliciano. “Nagbibigay kami ng tuloy-tuloy na mga materyal sa pagkatuto upang matiyak na ang aming mga CX representative ay nananatiling maalam sa pinakabagong mga update sa plataporma, mga kagamitan, at mga uso sa industriya. Tinitiyak nito na handa silang tugunan ang mga bagong hamon.”

Sa pamamagitan ng pamumuhunan sa makabagong teknolohiya, patuloy na pagsasanay, at sa makabago at digital na solusyon, aktibong pinalalago ng DigiPlus ang isang customer-first culture na nakaugat sa tiwala, kasiyahan, at katapatan sa brand.

Sinasalamin ng 24/7 CX operational powerhouse ang pangako ng kompanya na natatanging serbisyo at ang pangunguna sa larangan ng digital entertainment.

Para sa mga manlalarong nangangailangan ng suporta at tulong, maaaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod na linya 24/7: BingoPlus – bingoplus.ph | [email protected] | (02) 8539 0282; ArenaPlus – arenaplus.ph | [email protected] | (02) 8539 0285;
GameZone – gzone.ph | [email protected] | (02) 8539 0286

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …