Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marilao Bulacan Police PNP

P2.3-M ‘hot meat’ nasamsam, 7 timbog sa Marilao, Bulacan

NASAKOTE ang pitong indibidwal matapos maaktuhan ng mga awtoridad na naglilipat ng kahon-kahong ‘hot meat’ sa isang truck sa isinagawang operasyon sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 17 Agosto.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Jordan Santiago, hepe ng Marilao MPS, dakong 10:30 ng gabi kamakalawa, habang nagsasagawa ng roving patrol ang Barangay Peacekeeping and Action Team (BPAT) ng Brgy. Sta. Rosa 1, kanilang naaktuhan ang isang wing van truck na may plakang plaka NHE4570, na naglilipat ng hinihinalang double-dead meat sa isang refrigerated van na may plakang CBP1065.

Agad nilang ipinaalam ang insidente sa National Meat Inspection Service (NMIS) at sa Marilao MPS Station na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Nasamsam sa operasyon ang 435 kahon ng hot meat na tumitimbang ng humigit-kumulang 12,500.8 kilo at tinatayang nagkakahalaga ng P2.3 milyon.

Pansamantalang itinurn-over ang mga kontrabando sa Marilao MPS at kalaunan ay ilalagak sa NMIS para sa tamang disposisyon.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang mga suspek at inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9296 (Meat Inspection Code of the Philippines) na isasampa sa tanggapan ng panlalawigang piskal sa Malolos, Bulacan.

Samantala, pinuri ni Bulacan PPO Provincial Director P/Col. Angel Garcillano ang mabilis na koordinasyon ng BPAT ng Brgy. Sta. Rosa 1, NMIS, at Marilao MPS na nagbunga ng pagkakaaresto ng mga suspek.

Tiniyak din niya sa publiko na lalo pang paiigtingin ng Bulacan PNP ang operasyon laban sa pagkalat ng delikado at ilegal na karne upang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mamamayan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …