Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Heaven Peralejo Jerome Ponce I Love You Since 1892

Heaven ‘di nagpaapekto ‘di feel ng fans magbida sa I Love You Since 1892

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAHINGAN ng reaksiyon si Heaven Peralejo tungkol sa tila hindi pagkagusto ng ilan, sa kanila ni Jerome Ponce, para magbida sa Viva One Original series na I Love You Since 1892.

May mga nagnanais na si Janella Salvador ang gumanap sa serye bilang Carmela/Carmelita at hindi si Heaven, at si Marlo Mortel naman bilang Juanito.

“Noong una po talaga, actually, hindi naman masyadong nag-sink sa akin,” panimulang saad ni Heaven.

“But then, I think last night, unconsciously, nakikita, nababasa ko ang comments and unconsciously, napo-project ko rin siya sa sarili ko.

“But alam niyo, sobrang nakatutuwa, kasi ang una kong kinausap si Jerome.

“Sinasabi ko sa kanya ‘yung nararamdaman ko regarding sa online comments.

“And then, nag-open up din ako sa production namin. 

“Nakatutuwa kasi ipinaaalala nila sa akin, ‘Bakit nga ba ako nandito ulit? Ano bang core ko?’

“Oo nga, aktres ako. Ito ‘yung job ko.

“Mahal ko ‘yung trabaho ko and I shouldn’t be contained with one character na ang ganda-ganda ng istorya.

“At alam ko sa sarili ko na ibinibigay ko ‘yung one hundred percent. So, bakit ako nagkakaroon ng alinlangan?

“Doon ko nakita na, unang-una, ako ‘yung nagtitiwala sa sarili ko and, of course, nagtitiwala ako sa mga kasamahan ko, sa direktor ko.

“Alam naming lahat na ibinibigay namin ‘yung one hundred percent para sa proyekto na ito.

“So, hindi tayo magpapatinag. Hindi.

“Ito, ginagawa ko bilang Carmela/Carmelita, itong proyekto na ito.

“Iniaalay ko ito, of course, sa ating Diyos, sa management, and sa mga taong nagmamahal.

“Doon tayo dapat nagpo-focus. Dapat positive lang tayo,” nakangiting wika pa ni Heaven.

Bida rin si Joseph Marco na idinirehe ng kaibigan naming si McArthur Alejandre.

Magsisimula na ang streaming ng I Love You Since 1892 sa September 6  sa panulat ni Binibining Miaat mula rin sa Studio Viva at Webtoon Productions.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …