RATED R
ni Rommel Gonzales
IKAKASAL na sa susunod na taon sina Viva/VMX actress Phoebe Walker at DJ/host Rico Robles.
Siyempre may mababago na kay Phoebe kapag Mrs. Robles na siya. Mayroon na ba siyang mga restriction pagdating sa pelikula? Although matagal na naman na hindi nagpapa-sexy si Phoebe. May ganoon ba silang usapan ni Rico?
“Actually, he’s always been part naman of my decision making simula noong naging kami. Kasi I’m that kind of person talaga na I want us to really decide together.
“Kasi you know, obviously, decisions niya also, I take part. But restrictions, actually none. Feeling ko nga, mas ngayon na engaged na kami, parang mas nag-solidify ‘yung teamwork namin, you know?
“I don’t know if that makes sense, pero parang mas… siyempre mas may karapatan na ako to ask for his help or vice versa.
“So I really appreciate the ano, akala ko dati…I was really scared about getting engaged. Siyempre sa industry ko, bilang babae, ‘pag ikakasal ka na parang feeling mo mababawasan ka ng market or whatever.
“But actually, now that I’m in it, parang nawala ‘yung takot, kasi I think you just had to be with the right partner pala for you to feel happy about it and I really do feel, mas magaan sa dibdib ko na ano, so I think everything happened in the right time.”
Handa na ba siyang maging ina? Siyempre, nakilala siya na artistang sexy, balingkinitan, handa na ba siyang lumaki at malosyang?
“Opo,” ang tumatawang bulalas ng Viva actress. “Kasi I’ve always wanted to become a mom and have my little mini-me or a little boy.
“Basta bigay lang ni God, kung ano man ang ibigay sa amin ni God. I mean, siyempre ngayon ang panahon ngayon, mahirap, ‘di ba?
“But I know na if God grants us children, alam kong may blessings iyan na kasama and hindi tayo pababayaan.
“So yes! Magwo-workout na lang after manganak.”
Nakatsikahan namin si Phoebe sa mediacon ng 14-member all male group na MaxBoyz sa Viva Café na si Phoebe ang host.
At aliw na nang tanungin ang mga miyembro ng MaxBoyz kung sino ang celebrity crush nila, isa sa mga ito ay ang pangalan ni Phoebe ang isinagot.
Kaya kinantiyawan ito na hindi na puwede dahil mag-aasawa na nga si Phoebe.
Samantala, ang MaxBoys ay binubuo nina Wolf, RJ, Aei, JJ, Benny, Dhale, BK, Chadd, CJ, JP, Elton, RD, Seonwoo, at Red.
Manager nila si Mariposa Cabigquez na CEO ng Wildstar Media and Production.
Si Mariposa ay isa ring dancer, kabilang siya sa Wowowee dancers kasama sina Luningning at Milagring.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com