Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vince Maristela

Vince naging inspirasyon kuwento ng buhay ng mga housemate

RATED R
ni Rommel Gonzales

ISA sa mga dating housemates sa Bahay Ni Kuya sa nakaraang Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition si Vince Maristela, na tulad nina Josh at Michael may mga hindi rin malilimutan at gustong alalahanin sa mga nangyari sa loob ng bahay ni kuya. 

“Ako para sa akin ‘yung pinaka-memorable na mga… siguro ‘yung stories nila,” umpisang pahayag ni Vince.

“Kasi isa ‘yun sa mga bagay na na-inspire ako, sa stories nila.

“Alam mo ‘yun, binigyan nila ako ng tiwala na mag-share sila sa akin at siguro dahil sa  stories nila, mas napu-push ako to do better at siguro mas naiintindihan ko rin talaga sila kung sino sila.

“Parang mas lumalalim din ‘yung friendship namin, hindi lang siguro friendship ha, ‘yung family namin.

“At sa gusto ko kalimutan, parang wala naman akong gustong kalimutan.

“Kasi lahat ng bagay na nangyari sa loob ng Bahay Ni Kuya, meant to be talaga at para sa akin, hindi na puwedeng palitan ‘yun, eh.

“Like, kailangan na lang mag-move on at gawin kung ano ‘yung mga dapat gawin sa mga darating na opportunities, iyon lang,” pagtatapos ni Vince.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …