Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Shabu

Irarasyong shabu sa nakakulong na mister nadiskubre, misis arestado

SA PINAIGTING na anti-illegal drug campaign ng pulisya sa Nueva Ecija ay humantong sa pagkakaaresto sa isang ginang na nagtangkang magpasok ng iligal na droga sa isang detention facility kamakalawa.

Sa ulat mula kay PColonel Heryl “Daguit” L. Bruno, provincial director ng NEPPO, ang naarestong suspek ay isang 59-anyos na dishwasher mula sa Barangay San Isidro, Cabanatuan City.

Ang suspek ay naaresto matapos magtangkang magpuslit ng ipinagbabawal na substance sa Cabanatuan City Police Station Male Custodial Facility habang binibisita ang kanyang nakakulong na mister.

Bandang alas-5:15 ng hapon, sumailalim sa routine inspection ang suspek sa kanyang mga gamit at nadiskubre ng mga pulis ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 0.3 gramo ng shabu, na itinago sa loob ng bulsa ng isang pares ng asul na maong na pantalon na balak ibigay sa kanyang asawa.

Agad namang inaresto ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay PColonel Bruno, hindi nila hahayaang makapuslit ang shabu sa loob ng mga kulungan o saan man sa Nueva Ecija batay na rin sa direktiba ni PBGeneral Ponce Rogelio I Peñones Jr., RD ng PRO3 na paigtingin ang pag-aresto sa mga drug personality sa buong rehiyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …