MASAYANG-MASAYA ang mga social media influencer na sina Kamangyan at Lars Pacheco sa pgdiriwang ng ika-10 taon sa beauty business ng OG sa pagpapaganda, ang Skin Magical.
Mula sa kauna-unahang rejuvenating set na may collagen at moisturizing formula, hanggang sa pagiging kilalang pangalan sa skincare at wellness, ang Skin Magical ay magdiriwang ng 1ka-10 anibersaryo sa Setyembre 29, 2025.
“Isang dekada ng tiwala at ganda talaga,” ani Kamangyan na may halos 1M subs sa YouTube.
Noong 2015, inilunsad ang Rejuvenating Set 1 – ang unang set sa merkado na may collagen, pampakinis, at pampaglow.
Mula noon, milyon-milyong Filipino na ang nakaranas ng glass-skin transformation at clear skin confidence gaya na rin ng isa pang i fluencer na si Lars Pacheco.
“Ito ang una kong rejuvenating set, at ito pa rin ang babalik-balikan ko.
“Naka-glass skin talaga ako, legit,” pagpapatunay ni Lars.
Pinalawak din ng Skin Magical ang kanilang produkto:
— Rejuvwite Capsule – 20-in-1 beauty and wellness supplement
– Rejuv Coffee – Beauty drink na infused with Gotu Kola (Cica) para sa healthy glowing skin
– New soap collections – From brightening to intimate care
“Sa Skin Magical, hindi lang panlabas ang alaga kundi pati sa loob,” sabi ni Kamangyan.
Ang dating simpleng distribution business, ngayon ay handa nang pasukin ang retail industry – lokal man o international.
Bukas ang brand sa resellers, distributors, supermarkets, at global partnerships.
“Hindi naging madali ang 10 taon. Maraming ups and downs — pero normal iyon sa negosyo. Ang mahalaga, tuloy-tuloy ang misyon: ang maghatid ng abot-kayang, epektibong kagandahan para sa lahat,” sabi owner na si Ms Ghie Pangilinan.
Hindi lang produkto ang Skin Magical – ito ay simbolo ng pag-asa, oportunidad, at empowerment.
Patuloy nitong binibigyang halaga ang libo-libong resellers, distributors, at loyal users sa kanilang beauty journey.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com