RATED R
ni Rommel Gonzales
LALONG nagiging exciting ang mga kaganapan sa revenge drama series na Beauty Empire sa pag-uumpisa ng pasiklaban nina Velma (Ruffa Gutierrez) at Shari (Kyline Alcantara) para sa pinakamataas na posisyon sa Velma Beauty.
Sumakses na nga si Noreen (Barbie Forteza) sa kanyang plano na makuha ang loob ni Velma para tuluyang mapatumba si Shari. At sa pagbabalik ni Velma sa kanyang kompanya, ikinasa na niya ang hamon kay Shari na labanan siya para magkaalaman na kung sino ang karapat-dapat na maging CEO ng Velma Beauty. Kaya naman ang viewers at netizens, abangers na sa puksaang #TeamVelma vs. #TeamShari.
At sa patindi nang patinding mga eksena, hindi maitatangging tinututukan ito ng sambayanan. Katunayan, batay sa data ng Nielsen TV Audience Measurement, nakakuha ang programa ng average combined (GMA/GTV) people rating na 4.1% sa Total Philippines at 4.6% sa Urban Philippines mula July 7 (pilot episode) hanggang August 7. Talo nito ang Sins of the Father na nakapagtala lamang ng 2.9% average combined (A2Z/TV5/Kapamilya Ch./Jeepney TV) people rating sa Total Philippines at 3.1% sa Urban Philippines sa kaparehong period.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com