RATED R
ni Rommel Gonzales
Si AZ Martinez ang bagong brand ambassador ng SCD beauty products mula sa kompanyang pag-aari ni Gracee Angeles na CEO ng EEVOR Skin Care Depot
Marami talagang nagagandahan kay AZ, at tinanong naman namin siya kung sinong babaeng celebrity ang nagagandahan siya.
“Si Miss Anne Curtis po, sobrang ganda po talaga ako sa kanya.
“I met her first time sa premiere niya niyong ‘It’s Okay To Be Not Okay,’ sobrang gandang-ganda talaga ako sa kanya, as in.
“And I’m so happy I met her, I told her I’m a fan, so ayun po, nag-fangirl din po ako,” bulalas ng Sparkle actress.
Sikat na sikat ngayon si AZ bilang housemate sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.
Paano niya naha-handle ang kayang popularidad sa kasalukuyan?
Lahad niya, “Ako honestly sobrang overwhelmed pa rin ako with the popularity, the attention that I’m getting.
“Ahmmm sobrang na-amaze pa rin ako that there are fans, that there are people supporting, ‘yung efforts na nagagawa nila like I have LED, ‘yung billboard they had one for both Ralph and I so nagugulat ako sa mga ganoon.”
May LED billboard ang AzRalph sa building ng Robinson’s Galleria mall sa Ortigas courtesy ng fans nina AZ at kapwa niya housemate na si Ralph de Leon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com