RATED R
ni Rommel Gonzales
PALABAS ngayon sa mga sinehan ang horror movie na P77 at tinanong namin si Barbie Forteza kung handa na ba siyang mabansagang “Horror Queen” dahil sa pinagbibidahang pelikula.
“Ay grabe naman yun,” ang unang bulalas ni Barbie.
Banggit namin kay Barbie, base sa napanood ng marami, may karapatan o “K” na si Barbie sa naturang bansag o titulo.
“Naku grabe naman yan!
“Honestly ano po wala… hindi ko pa alam ang dapat kong maramdaman.
“But right now I’m just so overwhelmed with the all-out support of everyone like you guys, thank you.
“Thank you so much, my friends, thank you to all the fans, the supporters, maraming, maraming salamat po sa suporta.”
Samantala, tinanong naman namin si Barbie kung sa tunay na buhay ay nakakita na siya ng multo.
Napaisip muna ang aktres bago sinabing, “Actually hindi pa.
“Mahilig ko lang takutin ‘yung sarili ko pero hindi pa talaga, thankfully.
“Baka ‘yung song lang, ng Cup of Joe, it’s my favorite song.”
Kahit paramdam ng multo ay hindi pa siya nakaranas?
“Wala, thankfully wala.
“Pero mahilig akong manood ng horror films, matatakutin ako!”
Ano ang paborito niyang horror film?
“‘Dead Silence’ by James Wan.”
Ang Dead Silence ay 2007 American supernatural horror film ng Hollywood director na si James Wan.
Lahad pa ni Barbie tungkol sa kanyang pelikula, “Marami ho kaming tinackle na contemporary issues at sana po ay huwag nating kaliligtaang kamustahin ang mga Luna sa buhay natin.
“Dahil at the end of the day hindi lahat ng malalakas na tao ay palaging malakas.
“So let’s be there for our Luna.”
Si Luna na pangunahing karakter sa pelikula na ginampanan ni Barbie.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com