Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
QCPD Quezon City

Paslit kinidnap ng yaya nailigtas

NAILIGTAS ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 3-anyos bata habang naaresto ang kumidnap na yaya nito matapos humingi ng ransom nitong Lunes ng madaling araw.

Sa report ng  QCPD Masambong Police Station 2,  bandang 8:05 ng gabi nitong Linggo, 10 Agosto, nang tangayin ng yaya ang bata na halos dalawang taon na niyang inaalagaan sa Aragon St., Brgy. Paltok.

Sa imbestigasyon, dumaing ng pananakit ng tiyan ang suspek at nagpaalam sa mga amo na kukuha lamang ng gamot sa kalapit-bahay at isinama nito ang  bata ngunit hindi na bumalik ang yaya.

Makalipas ang ilang oras, nakatanggap ng  text message ang magulang ng biktima na nanghihihingi ng ₱150,000 ang suspek kapalit ng kanilang anak.

Bandang 12:05 ng madaling araw nitong Lunes, 11 Agosto, agad nagsagawa ng  entrapment ang mga pulis at nailigtas ang bata sa yaya sa FPJ Ave., Quezon City.

Nakatakdang samapahan ng kaso ang yaya sa Quezon City Prosecutors Office. Inihahanda na ang kaso laban sa suspek. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …