Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Melai Cantiveros PBB Collab

Melai sa PBB Collab ng GMA at ABS: Nabusog ako, grabe ang sigsig liglig

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGING host si Melai Cantiveros ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition na ang hosts at housemates ay pinagsama-samang Kapamilya at Kapuso stars.

Ano ang saloobin ni Melai sa naging collab ng dalawang higanteng TV networks?

“Parang nabusog ako,” hirit ni Melai. “Hindi… kasi bakit? 

“Grabe ‘yung sigsig-liglig talaga na ibinigay ng dalawang network na pinagsama talaga.

“‘Yung alam mo ‘yung pinagsama ‘yung dalawang mindsetting, anong tawag doon? Utak ng dalawang network kaya talagang sabog!

“Sumabog ang Pinoy Big Brother.”

Personally, kung tatanungin si Melai ay si Rochelle Pangilinan ang choice niya na pumasok sa Bahay Ni Kuya sakaling magkaroon ng kasunod na collab ang GMA at ABS-CBN sa PBB.

“Gusto ko si ate Rochelle! 

“Kasi nagtatanong siya sa akin kanina, ‘Paano ba ‘yung Pinoy Big Brother?’

“Ibig sabihin nagtatanong ka ibig sabihin parang mayroon kang interes. Kasi hindi ka puwedeng pumasok na hindi buo ‘yung puso mo, eh.

“So siya nakitaan ko na parang, ‘Ah, may interes siya.’

“Kasi parang, natutuwa raw si Mr. Art sa ‘PBB,’ ‘yung asawa ni Ms. Rochelle,” pagtukoy ni Melai kay Arthur Solinap.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …