RATED R
ni Rommel Gonzales
MAKALIPAS ang walong taon mula nang ipalabas ang 100 Tula Para Kay Stella ay ipaLalabas naman ang 100 Awit Para Kay Stella.
Muling gaganap sina JC Santos bilang Fidel at Bela Padilla bilang Stella.
Paano muling hinugot ni JC ang karakter ni Fidel?
“Yes, 8 years,” at natawa si JC. “Every time nakikita ako ng mga tao si Bela ‘yung naiisip nila eH, ‘Uy si ano, ‘yung partner ni Bela!’
“Tapos siyempre maaalala nila ‘yung title ng pelikula ang I’m happy about it kasi naaalala nila ‘yung trabaho ko.
“At least naalala nila si Fidel and I’m happy about that and Fidel is such a fun character for me. Noong binalikan ko siya ulit emotionally ang hirap balikan kasi marami akong points kay Fidel na attitude-wise, hindi ako nag-a-agree as a person.
“As kung sino man si Fidel, alam mo ‘yun? Pero siyempre I have to give sympathy to the character at kailangan ko siyang bigyan ng hustisya.
“Kailangan ko siyang ipaintindi sa audience, kung paano siya as a person at para rin magkaroon ng awareness ang audience na, ‘Ah, this is him!’
“And also with the, ‘yung kanyang defect, it was like riding a bike,” at muling natawa si JC.
May speech defect si Fidel sa pelikula.
Pagpapatuloy pa ni JC, “Kasi si Fidel ‘di ba he has a pattern, ‘di ba ‘yung three words. So, nagkaroon na kami ng mahabang-mahabang usapan about it, kung paano na siya ngayon, bilang after a few years simula noong una.
“And ngayon nag-mature na siya, nagbago ba, kumusta na siya?
Ipalalabas sa mga sinehan sa September ang 100 Awit Para Kay Stella, sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana at mula sa produksiyon ng Viva Films.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com