Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Clark Pampanga

Scam hub sa Port of Clark sinalakay, 20 dayuhan timbog, 8 Pinoy nasagip

NASAGIP ang walong Filipino habang nadakip ang 20 Chinese nationals sa pinaniniwalaang scam hub sa dalawang magkahiwalay na operasyon na isinagawa sa Clark Freeport Zone, lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga.

Ayon sa ulat, unang sinalakay ng mga awtoridad ang compound ng dalawang villa sa lugar kung saan nasakote ang 17 Chinese nationals.

Nakumpiska mula sa operasyon ang mga laptop at mga cellphone na nakatakdang sumailalim sa digital forensic examination upang makakalap ng impormasyon sa operasyon ng mga suspek.

Base sa mga chat na nakita sa isang computer, nakitaan ng mga awtoridad na nagpapahiwatig na nagpapatakbo ng love scam ang mga suspek.

Ayon sa mga Pinoy na nailigtas sa operasyon, higit walong oras silang nagtatrabaho sa loob ng hinihinalang scam hub sa loob ng isang araw.

Dagdag pa ng mga biktima, may kaibigan sila na nag-imbita lang sa kanila at pinahahanap sila ng mga kliyente pero aniya ay pinag-aaralan pa nila dahil isang linggo pa lang sila.

Ayon pa sa isang biktima, may pinahihintay sa kanila sa lugar na tao na hindi nila kilala samantalang hindi nakapagbigay ng pahayag ang 17 naarestong Chinese nationals dahil sa language barrier.

Kasunod nito, sinalakay rin ang isa pang residential property malapit sa mga villa kung saan inaresto ang tatlong Chinese nationals dahil sa pinaghihinalaang online fraud.

Dinala ang mga suspek sa Camp Bagong Diwa, sa lungsod ng Taguig habang sinusuri ng mga awtoridad kung konektado ang dalawang hinihinalang operasyon ng scam.

Ipinahayag ni Clark Development Corporation vice president for security retired Maj. Gen. Lina Sarmiento na sa loob ng Clark Freeport Zone simula 2023 ay ipinagbawal na ang anumang gawain na may kinalaman sa POGO.

Pinangunahan ang mga pagsalakay ng mga tauhan ng Bureau of Immigration, Armed Forces of the Philippines, at Clark Development Corporation. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …