RATED R
ni Rommel Gonzales
MAGANDANG balita sa kanilang mga tagahanga, may planong reunion concert ang SexBomb!
“Planning,” umpisang saad ni Jopay Paguia.
“Oo. Noong dati nabanggit ko na may concert, pero ngayon planning kami ng SexBomb, na this time matuloy na.”
Kompleto sila?
“Praying din na makompleto kami. Actually, ‘yung sagot manggagaling kay Rochelle,” ang tumatawang pagtukoy ni Jopay sa kapwa niya OG SexBomb girl na si Rochelle Pangilinan.
“Kung i-squeal na namin ‘yung dapat sabihin talaga, ayaw ko lang kasi magkamali.
“Pero siyempre sa mga supporter namin, gusto namin na matuloy o hindi, support sila pa rin.”
Kailan ito hopefully?
“This year, yeah.”
Ano ang feeling na hanggang ngayon, hindi nakalilimutan ng tao ang Sex Bomb?
“Sobrang nakaka-overwhelmed kasi kahit nagkaroon na kami ng kanya-kanyang pamilya, nandiyan rin pa rin sila na sumusuporta sa amin.
“At hindi lang ‘yun, maipapasa nila sa mga anak nila na talagang nakikita nila na, ‘Ay SexBomb ‘yan, alam mo ba ‘yung anak ko’, ganyan.
“Sobrang nakaka-proud lang talaga.”
Hiningan namin ng reaksiyon si Jopay sa sinasabi ng iba na bago ang BINI, ay may SexBomb muna.
“Parang oo naman po, kasi kami po talaga ‘yung una, opo. Kumbaga kami ‘yung first female group na nag-boom noong 2000.”
Maganda sigurong idea na i-guest nila ang BINI sa kanilang reunion concert?
“Alam mo, gusto ko talaga kaso mahal sila,” at tumawa muli si Jopay. “Pero ang BINI kasi ang nakatutuwa sa kanila, iba rin kasi ‘yung atake niyong sayawan nila.”
Ang SB19 ay nag-guest sa reunion concert ng Streetboys noong Nobyembre 2024, so why not BINI with SexBomb?
“Gawin natin ‘yan, basta kakayanin ng budget, why not?
“Ano lang naman natin dito, pinaka-goal namin talaga is ‘yung mapasaya ‘yung fans ng SexBomb talaga, na talagang nandiyan sila hanggang ngayon sumu-support.”
Samantala, magpapaka-aktres si Jopay sa indie movie na Besprens In Tandem na ang direktor ay si Franco Arce.
Isang advocacy film ang pelikula at kasama rito sina Pepe Herrera, Kitkat, Rolando Inocencio, Inday Garutay, Don Rishmond Cerbito, Isadora, Hannah Ortiz, Kaycee Manaig, Aya Sarmiento, at Clave Sun.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com