Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

No. 7 regional most wanted na rapist sa Bulacan, arestado

NAARESTO ng pinagsanib na puwersa ng pulisya ang itinuturing na No. 7 Regional Most Wanted Person na may kasong panggagahasa sa Brgy. Caingin, Meycauayan City, Bulacan. kahapon.

Sa ulat mula kay kay Police Lt. Colonel Melvin M. Florida, Jr., hepe ng Meycauayan CPS, kinilala ang arestadong akusado na si alyas Jeff, 39 anyos, may kasong Statutory Rape sa ilalim ng Criminal Case No. 3682-M-2025.

Ang warrant of arrest ay inilabas ni Judge Elenita N.E. Macatangay-Alviar, presiding judge ng RTC Branch 121, Meycauayan City, na walang inirekomendang piyansa.

Ang operasyon ng pagsisilbi ng warrant ay pinangunahan ng Meycauayan CPS katuwang ang RIU 3, PIT Bulacan East at 304th MC, RMFB3.

Sa rekord, nabatid na matapos sampahan ng kasong panggagahasa, ang suspek na si alyas Jeff ay nagpalipat-lipat ng pagtataguan hanggang tuluyang maaresto at ngayon ay nasa kustodiya ng Meycauayan CPS para sa karampatang disposisyon.

Patuloy ang pagtugis ng Bulacan PPO, sa pamumuno ni PColonel Angel L. Garcillano, acting provincial director ng Bulacan PPO, laban sa mga most wanted criminals bilang bahagi ng kampanya para sa kapayapaan at kaayusan sa lalawigan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …