Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PNP AKG

2 kidnap victims nailigtas, 4 Chinese national tiklo sa operasyon ng PNP-AKG

DALAWANG kidnap victims ang nailigtas  habang apat na Chinese nationals ang dinakip ng mga tauhan ng  Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) sa isinagawang police operation nitong Sabado sa Parañaque City.

Sa isinagawang  press briefing, sinabi ni PNP chief Gen. Nicolas Torre III, ang apat na Chinese suspects ay pawang mga sangkot sa kaso ng kidnapping sa isang kilalang resort casino sa Parañaque City.

Nangyari ang kidnapping matapos magpatulong ang isang 30-anyos Chinese national sa mga suspek para makapagpalit ng foreign currency exchange at magpadala ng P150,000 sa  China. Unang nagbigay ang  biktima ng P100,000.

Dito hinikayat ng mga suspek ang  biktima na magtungo sa resort casino para sa kanilang  transaksiyon hanggang mauwi ito sa pagdukot sa biktima.

Pinilit ng mga suspek ang  biktima na i-transfer pa ang US$50,000 mula sa kanyang cryptocurrency wallet.

Nakagawa ng paraan ang biktima nang makiusap ito na matawagan ang kanyang  pamilya. Ngunit isang kaibigan ang kinontak ng biktima na tumawag naman sa 911 hanggang sa ikinasa ang operasyon.

Bukod sa biktima, isa pang babaeng Chinese ang nasagip sa operasyon. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Krystall herbal products

42-anyos BPO employee “open secret” paggamit ng Krystall Herbal Products sa kanyang co-workers

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Isang magandang …