Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maka

Serye nina Gladys, Zep, Marco tanggap na tanggap ng viewers

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGPAPASALAMAT ang MAKA cast sa mainit na pagtanggap na patuloy nitong nakukuha mula sa viewers. Damang-dama rin ang walang sawang pagmamahal at suporta ng fans na dumalo sa thanksgiving party noong Martes, July 29, sa taping location ng serye.

Masayang nakisalo, nakipagchikahan, at nagpaabot ng pasasalamat sa kanilang supporters ang cast ng serye na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Josh Ford, Anton Vinzon, Raheel Bhyria, Mad Ramos, Elijah Alejo, Chanty, John Clifford, Olive May, Shan Vesagas, Sean Lucas, Bryce Eusebio, Bangus Girl, Jennie Gabriel, at Gladys Reyes. 

Parami nang parami ang mga Kapuso na patuloy na sumusubaybay sa serye kaya patuloy ang mataas na ratings nito. Sey nga ng viewers sa socmed, hindi maikakailang nakaka-young at heart at nakaka-good vibes ang serye. Halo-halong emosyon daw kasi ang nadarama nila sa panonood nito dahil mula sa nakakikilig na loveteams, mayroon din itong nakaiiyak at nakagagalit na mga eksena na very relatable para sa kanila.

Samahan ang buong barkada sa bagong chapter ng serye, Sabado, 4:45 p.m. sa GMA 7.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …