Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rep. Salceda pinapugayan si PBBM sa pagtutok sa ‘Food Security’ at ‘Coco Levy’ sa SONA 2025

PINAPUGAYAN ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda si Pangulong Bongbong Marcos sa pagtutok niya sa ‘food security’ at muling pagpapasigla sa industriya ng niyog sa kanyang 2025 ‘State of the Nation Address’ (SONA) nitong nakaraang Lunes.

Pinasalamatan din ni Salceda ang Pangulo sa kanyang panawagan sa mga mambabatas na amyendahan ang ‘Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act’ o ‘Coco Levy Act.’ “Nauna ko nang ipinahayag ang pag-asa kong maisama niya ito sa kanyang SONA at natutuwa akong isa ito sa mga ipinanawagan niyang isabatas ng Kongreso,” pahayag niya.

“Kasunod ng atas ng Pangulo, ihahain ko sa Kamara ang panukalang bersiyon namin ng bagong ‘Coco Levy Fund Act’ sa lalong madaling panahon. Ang industriya ng niyog ay isa sa mga pinakamalaking sektor ng agrikultura sa ating bansa batay sa lawak ng saklaw nito at maging sa ating ‘export.’ Sadyang napakahalaga ang ‘food security.’” ayon sa mambabatas na pamangkin ni dating Congressman Joey Sarte Salceda.

Sa kanyang SONA o ulat sa bayan nitong nakaraang Lunes, inilatag ng Pangulo ang lista ng mga prayuridad na programa ng kanyang administrasyon upang isulong ang produksiyon ng agrikultura kung saan isinama niya ang mga suportang impraestraktura, gaya ng ‘farm-to-market roads’ at modernisasyon ng sektor sa pamamagitan ng makabagong makinarya at teknolohiya.

Ipinanawagan din ni Salceda sa kanyang mga kasamahang mambabatas na amyendahan agad ang ‘Coco Levy Fund Act’ at gawin itong angkop sa kasalukuyang mga situwasiyon at tutugon sa pangangailangan ng mga magniniyog at muling pagpapasigla sa industriya ng niyog.

“Sana ay utusan din ni Pangulong Marcos ang mga ahensiyang may kinaalaman sa ‘Coco Levy Fund’ na madaliin ang pagpapatupd sa mga panukala nila kaugnay sa makabuluhan at kapaki-pakinabang na paggamit ng naturang pundo na nananatiling katiting lamang sa isang taon hanggang ngayon,” dagdag niya.

Isa sa sampung (10) panukalang batas na inihain ni Salceda sa Kamara sa unang araw ng paghain ng naturang mga panukala ay ang ‘bill’ niya na naglalayong dagdagan ng P10 ang halaga ng isang kilo ng palay na bibilhin ng ‘National Food Authority’ (NFA) na ang pundo ay magmumula sa ‘excess tariff revenues’ na makakatulong din sa pamimili at pagpapalawak sa pagbubodega ng NFA. Ang naturang panukala ay aamyenda sa Section14 ng R.A. 11203, na lalong kilala sa pangalang ‘Rice Tariffication Law.’

Bukod sa kanyang mga panualang batas na naglalayong lalong paunlarin ang industriya ng agrikultura, isinusulong din ni Salceda ang dagdag sahod para sa mga manggagawa. Naihain na rin niya ang panukalang ‘House Bill No. 55’ na naglalayong alisin na ang mga ‘regional wage boards’ at gawing pantay-pantay na ang arawang bayad sa mga manggagawa sa Kamaynilaan at sa mga probinsiya.

Ang bagitong mambabatas ay kinikilala na rin ngayon bilang isa sa mga haligi ng ‘Fair Wage Block’ sa Kongreso. Ayon sa kanya, umaasa rin siyang bukod sa ‘food security,’ isasama rin ng Pangulo ang ‘climate change mitigation’ sa kanyang adyenda.

“Ang ‘climate change’ at mabuway pang mga kundiyon sa pagnenegosyo ay talagang nagpapahirap sa atin at ginagawa tayong ‘net food importer.’ Sadyang kailangang tutukan ng gubiyerno ang ‘food security’ o katiyakang meron tayong kakainin. Hindi naman ito imposible dahil tiyak namang may kakayahan tayong magkaroon ng sapat na pagkain, kasama na ang isda, mais at iba pa,” paliwanag niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …