Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maris Racal Antoinette Jadaone Sunshine

Pelikula ni Maris na Sunshine, matapang; Direk Antoinette wala pa ring kupas

ni GLORIA GALUNO

SUNSHINE, hindi ito pangkaraniwang pelikula na iniaasa ng bida (Maris Racal) ang kapalaran sa makapangyarihang diyos.

Kuwento ito ng buhay at pag-asa. Pagpili kung alin ang mahalaga, buhay o pangarap, responsibilidad o sarili. 

Pero may mga eksenang nakita na rin natin sa ibang pelikula —- na siyempre may mga kakaibang eksekusyon.

Hindi naghangad ng perpeksiyonismo si Sunshine, pero nangarap siya, base sa kanyang talento at kakayahan.

Hindi pambihira ang karakter dito ni Sunshine. Isa siyang ordinaryong tao na nabiyayaan ng pambihirang talento kaya mulat na nangarap at nag-ambisyon base sa kanyang kakayahan.

Mas napambihiraan pa ako kay Jenica Garcia na ang papel ay ate ni Sunshine – si Gelleen. 

Pambihira ang ipinakita niyang lakas, tapang, at pagtitimpi para ipagtanggol ang kapatid —- habang ginagampanan ang papel bilang isang nanay (tingin ko maaga rin naging nanay).

Nang matuklasan ang kalagayan ni Sunshine, hindi siya nagsalita, hindi umiyak, hindi pinagmumura ang kapatid na nagdesisyon sa sariling kakayahan na tanggalin ang balakid sa abot-kamay na pangarap kahit nalagay sa panganib ang sariling buhay.

Mas ramdam ang awa, pag-aalala, at panghihinayang na baka hindi matupad ang minimithing pangarap ng kapatid.

Kaya hindi na nakapagtataka kung ang mga sumunod na hakbang ni Sunshine nang matuklasan na buntis siya ay gumawa ng sariling paraan para ipaglaban ang 

 pangarap. 

Inisip ni Sunshine na mas mahalaga ang pangarap kaysa buhay niya at ng bata sa kanyang sinapupunan.

Noong una, habang pinanonood namin ang daloy ng pelikula, normal ang lahat ng pangyayari walang kakaiba lalo’t ang setting ay sa lugar ng mga taong nabubuhay lampas sa guhit ng kahirapan. 

Kaya inaabangan ko kung nasaan ang twist. 

Normal lahat, pati transaksiyones na labag sa batas gaya ng pagbebenta ng pampalaglag sa tabi ng isang kilalang simbahang Katoliko —- ibig sabihin, ilang beses na nating nakita ang ganitong eksena sa ibang pelikula.

Hanggang bumulaga ang isang batang babae na kilalang-kilala si Sunshine. Gulat na gulat si Sunshine. 

Kapag kaharap ni Sunshine ang bata, wala siyang lihim, walang limitasyon ang emosyon. Kaya niyang bumasag ng kotse dahil sa galit —- at ang sinasandalang lakas —- ang batang babae na dumadalas ang pagpapakita sa kanya. 

Hanggang magpakita sa kanya ang isa pang 13-anyos na batang babae nabuntis sa panggagahasa ng sariling kamag-anak.

At isa pang batang bakla ang lumitaw —- na gustong magtagal pero hindi nagtagumpay. 

Ilang bahagi iyon na malamang ikalito ng ibang manonood.

Nakapanghihilalakbot ang desisyon ng mga karakter na kumitil ng buhay na nasa loob ng kanilang katawan —- ginawa nilang ‘diyos’ ang sarili  para magdesisyon na mawala ang buhay na nasa kanilang sinapupunan. 

Nawala ang buhay sa sinapupunan ng 13-anyos na batang babae. Nawala na rin sa eksena ang batang bakla.

Sa panig ni Sunshine,  dumating ang kanyang boyfriend (Elijah Canlas) at ama nito (Piolo Pascual), in a cameo role  at inako ang responsibilidad…

Pero isa lang ang sinabi ni Sunshine: “Ayaw ko pang maging nanay.”

Haaay… parang ang daming lumayang emosyon nang banggitin iyon ni Sunshine. 

Roon naging klaro, na bukod sa pangarap na minimithi, sa kanyang edad, hindi pa siya handang maging nanay.

Hindi kami naiyak (siguro dahil marami akong kasama 🤣🤣🤣) lagi namin kasing inaabangan kung ano ang kasunod ng bawat eksena… 

Pero for sure, may mga dumaan sa ganitong panahon at karanasan… at maiiyak silang talaga kapag napanood ang Sunshine

Kung nagtagumpay ba si Sunshine sa kanyang desisyon, panoorin n’yo na lang po…

Hindi pa rin kumukupas si direk Antoinette Jadaone. Mabuhay ang pelikulang Pinoy na nagpapakita ng tunay na kalagayan ng mga totoong tao sa lipunang Filipino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gloria Galuno

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …