RATED R
ni Rommel Gonzales
HALOS lahat ng mga diva tulad nina Regine Velasquez, Kuh Ledesma, ZsaZsa Padilla, Jaya, at Pops Fernandez ay umarte sa pelikula at telebisyon.
Bukod tanging si Lani Misalucha ang hindi.
Bakit kaya?
“Simple lang ang sagot, walang gustong kumuha sa akin. Ha! Ha! Ha!
“Hindi totoo nga, ‘di ba minsan kapag mayroon kang iniisip, iyon ‘yung mangyayari, ‘di ba?
“Kasi noong time na ‘yun, taong 2000, 2001, iyon ‘yung nagkaroon ako ng very first major concert ko sa Araneta Coliseum, iyon talaga epic ‘yun, na hindi pa ako ganoon kakilala, hindi pa ganoon kalaki ‘yung pangalan na Lani Misalucha, pero napuno ‘yung Araneta Coliseum, overflowing talaga.
“So ‘yung time na ‘yun maliliit pa ang mga anak ko niyon, ‘yung isa 7, ‘yung isa magte-10, so talagang inisip ko na ito pa lang, sa singing pa lang, mayroon akong ‘SOP’ noon, so roon pa lang alone, eh busy na ako.
“Eh nanay na ako noon, ang liliit pa ng mga anak ko, kaya as in, ito ang iniisip ko, ayokong mag-artista.
“Eh ‘di walang lumapit sa akin na offer, hindi, totoo, oo.
“Kaya kung ano ‘yung iniisip mo iyon ‘yung mangyayari, iniisip ko ang ganda-ganda ko, ganoon lang, eh hindi nila nakuha ang joke,” at muling tumawa ang Asia’s Nightingale.
“Kaya ang nangyari puro ako movie theme songs, ako ang kumakanta, at saka mga teleserye.
“Kung mayroon mang mag-offer sa akin gusto ko kontrabida ako.”
Kung magiging kontrabida siya, sinong artista ang gusto niyang makaeksena at bakit?
“Na sampalin? Ha! Ha! Ha! Oh my gulay, oo nga ‘no?
“Teka hindi ko pa napag-isipan iyan, sandali lang.
“Iniisip ko na ‘yung itsura ko na maldita, ‘yung ganoon, ‘yung makapal ang make-up tapos mataas ang buhok tapos ang daming malaking alahas, ganoo , na parang mahadera.
“Sino kayang makakatambal ko na sasampalin ko? Pag -iisipan natin ‘yan, kasi natanong na ako niyan eh, kung gusto ko ba raw na bida or kontrabida? Sabi ko kontrabida.
“Eh itsura ko na ito puwede ba akong tweetums, ‘di ba hindi naman?”
Si Regine ba? Si Ai Ai delas na kapwa niya judge sa The Clash ang gusto niyang masampal sa harap ng kamera?
“Ha! Ha! Ha! Si Ai Ai na lang, at least ano ‘yan, kilalang-kilala ako ni Ai Ai.”
May major concert ang Asia’s Nightingale, ang Still Lani sa August 21 sa The Theater at Solaire na ang mga guest performer ay ang Ben&Ben, ang pop duo na sina Leanne & Naara, Shaira Opsimar, at Paeng Sudayan.
Prodyus ng Backstage Entertainment (with executive producer Atty. Nate Quijano) ang Still Lani na ididirehe ni Calvin Neria at ang musical director ay si Toma Cayabyab, na anak na lalaki ng National Artist for Music na si Ryan Cayabyab.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com