Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
San Miguel Bulacan Police PNP

Astig na senior citizen nanindak sa barangay, tiklo sa boga at bala

INARESTO ng mga awtoridad ang isang senior citizen matapos ireklamo ng pananakot at pagpapaputok ng baril sa kanilang barangay sa San Miguel, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat na ipinadala ni Police Colonel Angel Garcillano, provincial director ng Bulacan PPO, kay Police Regional Office 3 Director PBGeneral Ponce Rogelio I. Peñones Jr., ang arestadong suspek ay kinilalang si Herminigildo Valdez y Vergel, 74-anyos, na residente ng Brgy. Tartaro, San Miguel.

Ayon sa ulat, nakatanggap ang himpilan ng San Miguel Municipal Police Station (MPS) ng ulat na may isang matandang lalaki na walang habas na nagpapaputok ng baril na ikinatakot ng mga residente sa lugar.

Agad rumisponde ang mga operatiba ng San Miguel MPS at sa loob ng limang minutong pag-aksiyon ay nasakote ang suspek na naaktuhan pa nilang nagwawala at naninindak ng mga kabarangay.

Narekober ng pulisya sa suspek ang isang expired na 9mm pistol at live ammunition na ginamit nito sa walang habas na pagpapaputok.

Sinabi ng ilang residente na naging ugali na ng suspek na ipakitang kahit siya ay matanda na ay kaya pa niyang sindakin ang mga kabarangay sa pamamagitan ng pagpapaputok ng baril.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Miguel MPS ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591, Alarm and Scandal, at Grave Threat.

Kasunod nito ay pinuri ni PBGen Peñones Jr, ang mabilis na aksyon ng responding team at sinabing ang kaligtasan ng mga komunidad ay nakasalalay sa kung gaano kabilis at epektibong kumilos ang kapulisan sa rehiyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …