RATED R
ni Rommel Gonzales
FOR good na sa Pilipinas ang Pop Rock Diva na si Rozz Daniels mula sa mahabang panahong nakatira sa Wisconsin sa Amerika, kaya tinanong namin kung ano ang pinakamahirap na parte sa paglipat niya ng tirahan.
“Ang pinakamahirap siguro iyong kung saang lugar kami.
“Tumira kami sa BGC, one week, around mga March this year, siguro one week din kami sa Azure, inaano (tsek) namin kung saang lugar.
“Ayaw ng asawa ko roon dahil traffic.”
Kasama ni Rozz na magre-retire na sa Pilipinas ang American husband niyang si David Daniels.
At sa ngayon ay nakapagdesisyon na sila kung saan maninirahan permanently.
“Yes, in fact bago kami umalis sa BGC, inisip ko na talaga sa Sta. Rosa, Laguna.
“Nag-drive around kami tamang-tama nakita namin ‘yung Avida settings, pumasok kami, sabi ko, ‘Oh my God!’
“Gusto ko ‘yung seguridad dahil ang asawa ko Amerikano.”
Malayo man ang Laguna ay doon mas pinili nina Rozz manirahan kaysa Metro Manila.
“Ayaw namin ng traffic, gusto ko, parang ang feel pa rin namin nasa Amerika pa rin kami.”
Dahil nasa Pilipinas na, mas makakapagpokus na si Rozz sa kanyang singing career.
“‘Yung sa ‘Ibang-Iba Ka Na,’ dahil natapos na, inaayos na, hopefully malalabas na next month.
‘Kausap ko rin si Doc Mon del Rosario, magsa-sign na ako ng contract sa kanya, ginagawa na namin sa kasalukuyan ang Christmas song ko.”
Noong 2021 ay kinilala si Rozz bilang Most Promising Female Pop Rock Diva of the Year na mula sa Phoenix Excellence Awards ni direk Ronald Abad.
Malamang na muling regular na mapanood si Rozz sa The Rocks & Rozz na noon ay show niya sa KUMU kasama sina Blessie Cirera (na singing editor ng Police Files Tonite), ang younger sister ni Rozz na si Analyn Torregoza (na mahusay ding kumanta), ang Cute Oppa na si Jerome Sangalang, ang may mala-James Ingram na boses na si Derf Dwayne, at ang opera singer na si Harold Evangelista.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com